Kinatagpo kahapon sa Naypyidaw, kabisera ng Myanmar, si Chen Bingde, dumadalaw na kagawad ng Central Military Commission ng Partido Komunista ng Tsina o CPC at puno ng pangkalahatang estado mayor ng People's Liberation Army ng Tsina, ni Senior Gen. Than Shwe, tagapangulo ng Konsehong Pang-estado sa Kapayapaan at Kaunlaran ng Myanmar, pangkalahatang Komander ng hukbo ng tanggulang bansa at Ministro ng Tanggulang-bansa.
Sinabi ni Than Shwe na nagkakaroon ang Tsina't Myanmar ng koordinasyon at kooperasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig at walang humpay na lumalaim ang kanilang kooperasyong pangkaibigan sa iba't ibang larangan. Labis na pinahahalagahan aniya ng kanyang bansa ang pagkakaibigan nila ng Tsina at nakahandang patatagin at paunlarin pa, kasama ng Tsina, ang relasyong pangkaibigan ng dalawang bansa.
Sinabi naman ni Chen na ang kooperasyong pangkaibigan ng Tsina't Myanmar ay nababatay sa kanilang paggagalangan, pagkakapantay-pantay, mutuwal na kapakinapangan at di-pakikialam sa mga suliraning panloob, at ito'y nakakabuti sa pangangalaga sa katatagan at kapayapaan ng rehiyon at sa pagpapasulong ng magkasamang pag-unlad ng dalawang bansa.
|