Sa isang ulat na ipinalabas kahapon sa Paris, tinaya ng Organization for Economic Co-operation and Development o OECD na bababa nang 2.7% ang kabuhayang pandaigdig sa taong ito at umiiral ang panganib na lalala pa ang kalagayan ng kabuhayang pandaigdig.
Tinaya ng OECD na ang pagbaba ng kabuhayang pandaigdig sa taong ito ay mas malaki kaysa pagtaya ng World Bank at International Monetary Fund. Kasabay nito, malaki ring bababa ang kalakalang pandaigdig at ang pagbaba ay mas malaki kaysa pagtaya ng WB. Ipinalabas ng OECD ang naturang ulat bago idaos ang London Financial Summit ng Group of 20 bilang paalaala sa iba't ibang bansa na isagawa ang mas mabisang hakbangin para mapasulong ang pagpapanumbalik ng paglaki ng kabuhayan.
Salin: Vera
|