Binuksan ngayong araw sa London ang Ika-2 Financial Summit ng Group of 20. Lumahok sa summit ang mga lider ng mga kasapi ng G20 at mga pandaigdig na organisasyong kinabibilangan ng UN, International Monetary Fund, World Bank at iba pa.
Sa isang araw na summit, tinalakay ng iba't ibang panig ang hinggil sa pagpapalakas ng koordinasyon sa mga patakaran sa makro-ekonomiya, pagpapalakas ng pamamahala at pagsusuperbisa sa sistemang pinansyal, pagpapatatag ng pandaigdig na pamilihang pinansyal at reporma sa mga organong pinansyal ng daigdig para maharap ang kumakalat na pandaigdig na krisis na pinansyal at makita ang paraan ng pagpapabangon ng pandaigdig na kabuhayan.
Dumalo sa summit si pangulong Hu Jintao ng Tsina at magtatalumpati siya hinggil sa paninindigan ng Tsina.
Sa kanyang talumpati sa summit, sinabi ni punong ministro Gordon Brown ng Britanya na binalangkas na ng mga kalahok na lider ang burador na proklamasyon at narating ang komong palagay hinggil sa paglaban sa proteksyonismong pangkalakalan. Anya, sa susunod, patuloy na tatalakayin ng mga kalahok ang hinggil sa reporma sa organong pinansyal at pamamahala at pagsusuperbisa sa sistemang pinansyal.
Salin: Liu Kai
|