XJ: Magandang magandang umaga, Pilipinas! Kayo ay nasa himpilang Radyo Internasyonal ng Tsina at sa Online live program ng Serbisyo Filipino na pinamagatang "Magkakapamilya Tayo?" na handog sa mga biktimang apektado ng Bagyong si Frank at gayundin sa mga nabiktima ng super-lindol sa Sichuan, Tsina. Ito si XJ at kasama ko rito sa istudyo ang ating dalawang panauhin. Batiin muna ninyo ang mga tagasubaybay.
Antonio: Hi, ito si Shi Yang, pwede rin tawagan ako Antonio. Ako'y guro taga Pamantasan Peking o Peking University, Proyekto ng Philippine Studies. Kami'y nasa kagawaran ng Oriental Studies, matuturo at mananaliksik namin ang wikang Tagalog at kultura, kasaysayan, panitikan, lipunan at iba't ibang mga aralin tungkol sa Pilipinas.
Jason: Hi, mga giliw na tagasubaybay, ito naman si Jason…
XJ: Tulad ng alam ng maraming tagasubaybay, kababalik lamang ni Jason mula sa nilindol na Sichuan bilang isang on-the-spot reporter ng Serbisyo Filipino, Radyo Internasyonal ng Tsina. Ngayon, bayani siya at kilalang kilala sa CRI.
Jason: Hindi naman!
XJ: Bale ilang araw kang nanatili sa Sichuan, Jason?
Jason: Mahigit 20 araw. Dumating ako ng Chendu noong ika-18 ng nagdaang Mayo.
XJ: Oo, natatandaan ko pa iyon. Mga alas-11 ng gabi, tumanggap ako ng mensahe mula kay Jason. Sabi niya: "Ate, nandito na ako sa Chengdu at hindi ako papasok sa susunod na linggo." Nandito pa sa cell phone ko ang mensaheng iyon. Ay naku, ginulat ako ng kanyang mensahe.
Jason: Biglaang-biglaan ang misyon. Noong umaga ng ika-18 ng nagdaang buwan, tumanggap ako ng mensahe na nagsasabing ipapadala raw ako sa Sichuan para ikober ang mga kaganapan doon. Mga 13:30 nang araw ring iyon, dumating ako sa paliparan. Mayroon lamang akong ilang oras para maghanda sa gagawing pagkokober. Salamat sa tulong ng mga kasamahan, nakuha ko ang lahat ng mga kinakailangang kagamitan sa loob ng maikling panahon. Dahil sa epekto ng lindol, ipinagpaliban nang ilang oras ang flight ko, kaya, mayroon akong ilang panahon para sa pagsasaalang-alang sa biyaheng ito.
XJ: Nerbisyo ka ba?
Jason: Para sabihin ko sa inyo, noong mga oras na iyon, hindi man lang ako nakakaramdam ng kaba. Excited pa nga ako dahil tulad ng alam ninyo, bilang isang mamamahayag, wala nang iba pang mas magandang bagay kaysa na makapunta ka sa unang prente ng ganito kalaking pangyayari. Noong mga oras na iyon, ang nasa isip ko ay kung papaanong magkokober nang maayos at hindi ang mga panganib na susuungin sa unang prente.
XJ: Sa susunod na halos isang oras, ibabahagi sa atin ni Jason ang kanyang karanasan sa unang prente ng nilindol na lugar. Gusto kong ipaalaala sa inyo na kung meron kayong anumang tanong na may kinalaman sa aming programang ito, ipadala lamang ninyo ito sa aming webpage at sasagutin namin ito "on air" dito sa programang ito. Taos-pusong pinananabikan namin ang inyong pagsalo. Break muna tayo. Magbabalik kami!
XJ: Magandang magandang umaga, mga giliw na tagasubaybay, Kayo ay nasa himpilang Radyo Internasyonal ng Tsina at sa Online live programang"Magkakapamilya Tayo!"ng Serbisyo Filipino na handog sa mga biktimang apektado ng bagyong si Frank at gayundin sa mga nabiktima ng super-lindor sa Sichuan, Tsina. Ito si XJ, kasama sina Dr. Antonio Shi, dalubhasa sa relasyong Sino-Pilipino mula sa Peking University at Jason, reporter ng Serbisyo Filipino na kauuwi sa Beijing mula sa nilindol na Sichuan. Jason, pagdating mo ng Sichuan, ano pa ang unang natanggap mong tungkulin?
Jason: Ang una kong naging misyon ay iyong pagkokober ng gawaing panaklolo ng rescue team mula sa Singapore. Pagdating ko ng Sichuan, noong sumunod na araw--- umaga ng ika-19 ng nagdaang Mayo, nagtungo ako sa punong himpilan ng rescue team ng Singapore na nakatalaga sa Hongbai Town ng Lunsod ng Shifang, isa sa mga pinakagrabeng nilindol na lugar.
XJ: Kinatagpo mo ang team na ito sa unang Pambansang Araw ng Pagluluksa.
Jason: Oo.
XJ: At ang unang kuhang-larawan…Teka, Jason. Mga giliw na tagasubaybay, sa kanan ng webpage, makikita ninyo ang mga litrato na kinuha ni Jason habang nananatili siya sa Sichuan. Tuloy, Jason!
Jason: Ito iyong litratong kinuha ko habang nag-o-observe sila ng katahimikan bilang pagpapahayag ng kalungkutan at pakikidalamhati.
Antonio: Kung hindi ako nagkakamali, ang Singaporean rescue team ay ang siyang tanging heavy team INSARAG (International Search and Rescue Advisory Group ) sa Asya.
Jason: Tama! Talagang propesyonal na propesyonal sila. Saludong saludo sa kanila ang mga residenteng lokal. Sa nakita at narinig ko, lubusang ipinakikita nila ang humanitarianism. Halimbawa, tumulong sila sa mga kamag-anak ng mga nasawi sa paglilibing ng mga bangkay.
XJ: Paggalang sa mga yumao….
Jason: Oo.
XJ: Ang susunod na kuhang-larawan…
Jason: Kuha ito bago sila bumalik sa Singapore.
XJ: Kailan sila umalis ng Sichuan?
Jason: Umalis sila noong ika-22 ng nagdaang Mayo. Namalagi sila sa Sichuan nang 5 araw. Naaalala ko pa ang sinabi ni Francis Ng, puno ng rescue team bago sila sumakay sa eroplano.
XJ: Pakinggan natin ang klip na iyon.
"Uuwi ngayong araw ang aming rescue team, at tapos na ang aming tungkulin dito. Una, nagpupugay ako sa lahat ng mga tauhang nagtatrabaho pa rin sa unang prente ng relief work. Sila ay nagtatrabaho sa ilalim ng napakahirap at napakapanganib na kondisyon. Alam ko na sila ay iyong mga tunay na may tibay ng loob. Umaasa akong matatapos nila ang kanilang tungkulin sa lalong madaling panahon. Para naman doon sa mga naghihintay pa ng impormasyon hinggil sa kanilang mga kamag-anakan, umaasa akong hindi sila mawawalan ng pag-asa dahil totoong may nagaganap na milagro. At bilang panapos, nais kong sabihin doon sa mga nawawalan ng kamag-anak sa lindol na umaasa akong magkakaroon sila ng sapat na lakas ng loob at maibabalik nila ang kanilang magandang pamumuhay at muling maitatayo ang kanilang lupang tinubuan."
"Pagkatanggap na pagkatanggap ng balitang may naganap na lindol sa Tsina, ang buong daigdig ay mabilis na nagpadala ng kanilang tulong. Ang Singapore, Hapon, Rusya, Timog Korea ay nagpadala ng rescue team. Ang mga grupong medikal mula sa Indonesiya, Pakistan, Alemanya, Pransiya, Italya at iba pa ang nagsadya sa lindol na Sichuan. Marami ring pandaigdig na panaklolong materyal ang inihatid sa mga apektadong lugar!"
Antonio: Masasabing naranasan ni Jason sa unang prente ang tungkol sa pagbuhos ng tulong mula sa komunidad ng daigdig, galing sa iba't ibang bansa at samahan pandaigdig. Kami man na wala sa prente ay naramdaman din iyon.
XJ: Sinabi mo pa, Antonio. Marami iyan sa aming pang-araw-araw na pagbabalita. Kung pandaigdig na saklolo din lang ang pag-uusapan, hindi maaaring hindi mabanggit ang tulong na mula sa Pilipinas.
An: pareho naman may tulong na materiyal at may ispirituwal!
XJ: Korek na korek ka diyan! Antonio, simulan natin sa konsyerto ng Philippine Madrigal Singers o Madz.
An: Pinili nila ang makabuluhang Pamagat "Mga awiting handog sa Sichuan."
XJ: Oo. Mga giliw na tagasubaybay, ang nabanggit ni Antonio ay ang tema ng pagtatanghal ng Madz. Nagdaos sila ng konsyerto noong ika-5 ng buwang ito. Sa halos 3 oras na performance, 20 awitin ang kinanta nila. Antonio, nandoon ka rin sa konsyertong iyon, ano ang masasabi mo ?
An: maraming tao dumalo sa konsyertong iyon. May mga Pinoy nagtatrabaho sa Beijing, pumunta sila sa konsyerto bilang isang aktibidad ng Komunidad ng Pinoy sa Beijing. Dumalo rin ang mga diplomatiko ng iba't ibang pasuguan na siyang inanyaya ng Pasuguan Pilipinas. Meron din mga Tsino galing sa pamahalaan, kompanya, media at iba. Nandoon ako sa panahon iyon kasi inanyaya ang Peking University. Taga U.P. ang mga mangangawit, meron guro at meron din estudyante. Magaling silang kumanta kapag walang sabay ng tugtog. Sa labas ng auditorium, meron donation ginanap ng Opisyal ng Pasuguan para sa mga biktima sa SiChuan.
Jason: Sana nadoon din ako.
XJ: Ang naririnig ninyo ay isa sa mga awiting kinanta ni Madz sa kosyerto. Sa tingin ko, hindi na bago sa pandinig natin ang awiting ito. Ito ay may pamagat na "kawangis ng buwan ang puso ko" na ang orihinal na bersiyon ay iyong kay Teresa Teng.
Jason: Tulad ng ipinaaabot ng mensahe ng awitin---ang ating pagmamahal at pag-alaala sa mga nasawing kaluluwa sa naganap na bagyo at lindol ay parang ningning ng buwan--matapat, magiliw, di-nagbabago at dalisay.
An: At ang ibinibigay na tulong ng iba't ibang panig ay para ring ningning ng buwan na nakakatulong sa mga apektadong mamamayan na makaraan sa dilim ng gabi at maiwasan ang anumang sagabal.
XJ: At ito ang siyang dahilan kung bakit nagpalabas ng espesyal na pagtatanghal na ito ang Madz. Narito ang klip ng aming panayam kay Mark Anthony Carpio, choir chief ng Madz.
"Lalo na sa Pilipinas, madalas din nangyayari iyong ganitong kalalaking disasters. Kaya, noong nangyari sa Tsina parang naramdaman namin iyong naramdaman ngayon ng mga tao dito. Kaya, gusto namin iyong militar namin iyong kami na rin ay nalungkot parang gustong makiisa sa pagdamay, sa mga nasalanta."
An: Sa pagkakatanda ko, sa kanyang talumpati bago simulan ang konsyerto, binanggit ni Amb. Sonia Cataumber Brady na ang konsyerto ay isa lamang sa mga aktibidad na nasa pagtataguyod ng Embahada ng Pilipinas sa Tsina bilang hindi lamang pakikidalamhati sa mga nabiktima ng lindol, at kundi paghahatid ng suporta sa rekonstruksyon at reabilitasyon ng mga nilindol na purok.
XJ: Tama ka diyan! Sa katotohanan, noong ika-19 ng nagdaang Mayo, unang pambansang araw ng pagluluksa, tumawag ako sa Embahada ng Pilipinas para kumpirmahin ang ibang bagay at parang biglaang pag-iisip lamang na nagtanong ako sa embahada para sa posibilidad ng pagpanayam sa kanyang kamahalan na si Amb. Brady dahil marami akong nabasang balita hinggil sa ibinibigay na tulong ng panig ng Pilipinas at gusto kong kumpirmahin ito sa embahador.
Jason: At ang talagang nakabagbag kay Xian ay iyong agarang pagsang-ayon ni Amb. Brady na makapanayam sa sumunod na araw. Maraming beses na sinabi sa akin ni Xian na magbalik ako mula sa Sichuan.
XJ: Oo. totoo iyon. Kasi talagang tumitimo sa puso ko ang ginawa ng panig ng Pilipinas pati ang embahada. Buong tatag na nakakintal ito sa isip ko at hinding hindi mailalarawan ang aking pasasalamat sa anumang salita. Kaya, gusto ko muling ibahagi sa inyo ang boses ng kanyang kamahalan na si Amb. Sonia Cataumber Brady.
Jason at An: Tuloy!
Kami po ay talagang abot-abot ang kalungkutan sa nangyaring kalamidad dito sa Tsina. Sapagkat, ang Pilipinas ay marami ring trahedya itong mangyayari sa taun-taon, baya naman po noong nangyayaring itong trahedya. Ang aming pangulo, si presidente Arroyo ay nagpadala agad ng sulat kay presidente Hu Jintao at nagpadala ng isang medical team dito sa Sichuan para makatulong sa mga relief efforts. At ang gobyerno po namin ay laging handa na tumulung kung anumang kailangan ng gobyerno ng Tsina sa abot ng aming makakaya. Ang aming pong kalihim, si secretary Arberto Romulo ay nagpadala rin ng sulat kay foreign minister Yang Jiechi (ng Tsina). At ako naman po ay nagpadala ring ng sulat sa mga kaibigan ko sa Sichuan. Ang mga Pilipino po sa Pilipinas ay gumagawa rin ng fund raising at naibigay na sa embahada ng Tsina sa Manila. Sana ka na pong ang sinabi po ng aming pangulo sa iyong mga lider dito na ang Pilipinas ay higit pa sa kapitbayan ng Tsina para tayong isang pamiliya dito sa rehiyon, kaya dapat po tayong magtulungan. Ang Tsina naman ay marami ring nakatulong sa Pilipinas noong kami na nagkaroon ng sakuna, kaya kami naman po ay tumatanaw lang ng utang na loob sa Tsina at nakikiramay sa mga ginagawa namin para pagtulong sa mga epekto ng trahedya. Kami naman po dito sa Beijing ay mayroon ding kaming nais itulong. Kahapon po, ibinaba naming ang aming bandera para makiramay at kahapon naman, ako din pumunta sa ministry of foreign affairs. Ako ay lumagda doon sa ano doon sa kanya lang condolence book para maman maipakita ko rin kami talaga ay nakikiisa. Ngayong hong susunod na buwan sa Hunyo ay magdiriwang kami ng aming independence day at pati ang anibersayo ng pag-uugnayan ng Pilipinas at Tsina at ang Philippines-China friendship day, ay sapakat po napakalaking sakuna dito ay minarapat namin na huwag na kaming magkaroon ng diplimatikong reception dito sa Beijing at kung ano mang dapat igagastos namin doon para sa reception iyon ay ibibigay namin sa aming mga kaibigan sa Sichuan. Ang Pilipino community ay magkaroon ng isang fund raising dito sa Hunyo, at kung ano mang mailikom doon sa event iyon, ibibigay namin sa kanila.
XJ: Ang naramdaman ko ring suporta ay nagmumula doon sa mga masugid na tagapakinig mula sa apat na sulok ng daigdig. Tulad ng alam ng lahat, ang ika-110 anibersaryo ng kasarinlan ng Pilipinas at ang ika-33 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko at ika-7 araw na pangkaibigan ng Tsina at Pilipinas ay natatapat sa kasalukuyang buwan. Maraming tagasubaybay ang pumili ng espesyal na paraan bilang pagdiriwiang sa naturang mga okasyon.
XJ: Ang naririnig ninyo ngayon ay isa pang awiting kinanta ng Madz ---ang walang-kupas na "Hindi Kita Malilimutan". Hinding hindi malilimutan ang mga naganap na trahedya at ang lahat ng mga nasawi at hinding hindi matatapos ang ating pasasalamat sa mga ibinibigay na suporta ng iba't ibang panig.
An: Gaya ng nabanggit ni Amb. Brady at mula sa inilahad ni Xian, ang lahat ng mga ito ay patunay ng iyong konsepto sa kulturang silanganin na tinatawag sa wikang Filipino na utang na loob. Tao para sa Kapwa. Saan man may hirap, saan man may tulong.
XJ: Oo. Sa katotohanan, ito ay isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit natin inilulunsad ang on-line program na ito.
Antonio: Kitang kita naman. Sinipi ninyo ang sinabi ni Amb. Brady bilang pamagat ng programang ito.
XJ: Siyempre naman. Magkakapamilya naman talaga tayo,eh.
Antonio: Tulad ng napuna natin, pagkarating na pagkarating sa kanyang kaalaman ang hinggil sa epektong dulot ng bagyong si "Frank" sa mga kaibigang Pilipino, agarang nagpadala ng mensahe bilang pakikiramay si Pangulong Hu Jintao ng Tsina kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
XJ: Nagpadala rin ng katulad na mensahe ang ministrong Panlabas at Ministro ng Transport ng Tsina sa kanilang mga counterpart na Pilipino.
Antonio: Oo. Bukod dito, sa abot ng aking pagkakaalam, 150 libong dolyares na salaping panaklolo ang naiabuloy ng panig Tsino sa panig Pilipino.
Jason: Dr. Shi, bukod sa nabanggit ninyong mga pagtutulungang moral at materyal ng dalawang bansa, meron pa bang ibang regular na mekanismo ng pagpapalitan at pagtutulungan ang Tsina't Pilipinas sa pagharap sa mga kalamidad?
Antonio: Eh…ang pinakahuling pagtutulungan na natatandaan ko ay iyong napapaloob sa may kinalamang kasunduan na narating ng mga kalahok sa 10+3 Symposium sa Pandaigdig na Panaklolo sa Kalamidad ng mga Sandatahang Lakas kung saan kapuwa dumalo ang Tsina't Pilipinas.
Jason: Sa tingin ko, napapanahon ang symposium na ito, lalo pa't may naganap na bagyo sa Myanmar at lindol sa Tsina. Sa aming panayam sa mga opisyal mula sa panig militar ng Tsina noong nandun pa kami sa Sichuan, buong pagkakaisang ipinahayag nila ang pangangailangan sa pagpapalakas ng kakayahang propesyonal sa gawaing pagliligtas at sa pagpapahigpit ng pagtutulungang pandaigdig dito.
Antonio: Insightful. Ang isa pang halimbawa ay iyong sa East Asia Summit sa Cebu. Nagkasundo dito ang mga kalahok na sina Pangulong Arroyo at Premyer Wen na pahigpitin ng Pilipinas at Tsina ang kanilang pagtutulungan sa pagliligtas sa panahon ng pananalasa ng kalikasan at pagbabawas sa epektong dulot ng pananalasang ito. Bukod dito, sa ilalim ng CCOP, Coordinating Committee for Offshore Prospecting in Asia, nilagdaan ng dalawang bansa ang MOU (Memoradum of Understanding) hinggil sa pagpapahigpit ng kanilang pagtutulungan sa pagharap sa lindol. Kapuwa sangkot rin sila sa pagpapatupad ng AUDMP, Asian Urban Disaster Mitigation Program at iba pa.
XJ: Masasabing sa pamamagitan ng iba't ibang plataporma, mahigpit na nagtutulungan ang Tsina at Pilipinas para masuong ang mga sakuna. Sa pakikipanayam ko sa Kanyang Kamahalan Amb. Sonia Brady, nang tanungin ko siya kung merong mga isinasagawang hakbangin ang Pilipinas sa pagharap sa kalamidad na maaring gawing reperensiya ng Tsina, meron siyang binanggit. Sinabi niya bilang halimbawa na mahigpit na pinaiiral ng Pamahalaang Pilipino iyong tinatawag na building code sa pagtatayo ng mga gusali. Listung-listo rin ang National Disaster Coordinating Center sa mga pananalasa ng kalikasan na tulad ng bagyo at baha. Mabisa at maayos din ang pagtakbo ng early warning system sa mga baranggay.
An: Oo. Masasabing bilang isang bansang madalas na daanan ng mga kalamidad, at karapat-dapat na matutunan ang mga natamong karanasan ng Pilipinas sa pagpigil at pagpapahupa sa epektong dulot ng mga kapahamakan.
XJ: Oo. Limitado ang ating oras. Sa hinaharap, aanyayahan nating muli si An para makisalo sa ating palatuntunan. At para sa mga tagasubaybay, kung gusto ninyong kasiyahan ang panayam namin sa kanyang kamahalan na si Amb. Brady at ang higit pang maraming awitin ng Madz, makakahuka kayo sa webpage na ito ng linkage sa mga may kinalamang programa. Bago tayo dumako sa susunod na paksa, pakinggan muna natin ang isa pang awiting kinanta ng Madz na pinamagatang "Pinasisigla Mo Ako".
XJ: Kayo ay nasa himpilang Radyo Internasyonal ng Tsina at sa online live na programang"Magkapamilya Tayo!"ng Serbisyo Filipino na handog sa mga biktimang apektado ng Bagyong Fengshen at gayundin sa mga nabiktima ng super-lindol sa Sichuan, Tsina. Ito si XJ, kasama sina Dr. Shi, dalubhasa sa relasyong Sino-Pilipino mula sa Peking University at Jason, reporter ng Serbisyo Filipino na kauuwi pa lamang ng Beijing mula sa nilindol na Sichuan.
"Nananalig akong mapagtatagumpayan ang anumang kahirapan ng mga magiting na mamamayang Tsino. Mga kababayan, sa harap ng kalamidad, ang pinakapangunahing ay kompiyansa, lakas-loob, katapangan, at malakas na pamumuno."
XJ: Nakakapagpasigla sina Pangulong Hu at Premyer WenBilang isang mamamayang Tsino, lubusang ipinagmamalaki ko ang ginagawa ng aming pamahalaan para mapahupa, sa abot ng makakaya, ang dulot na epekto ng super-lindol sa mga kababayan sa Sichuan.
An: Totoo iyon. Ang maagap at mabilis na reaksyon ng aming pamahalaan ay hindi lamang umani ng papuri mula sa sambayanang Tsino; tumanggap din ito ng papugay ng buong daigdig.
XJ: Oo. Sa aking interbiyu kay Ambassador Brady, tinukoy rin niyang dahil sa maagap at mabilis na pagpapalabas ng impormasyon ng Pamahalaang Tsino, nalaman kaagad ng buong mundo ang hinggil sa naganap na lindol, kaya naman aniya agaran ding dumating ang mga tulong sa Tsina-- at napakaraming dumating. Tunghayan natin ngayon ang isang serye ng datos.
"Noong alas-14:28 sa ika-12 ng Mayo, naganap ang lindo na may lakas na 8 richter scale sa Wenchuan, Tsina; Pagkaganap na pagkaganap ng lindol, itinagubilin ni Pangulong Hu, na gumawa ng lahat ng magagawa para sagipin ang buhay ng mga tao; 18 minuto pagkaraan ng lindol, naisaoperasyon ng Hukbong Tsino ang mekanismo para harapin ang mga pangkagipitang pangyaayri; Isang oras pagkaraan ng lindo, si Premyer Wen ang nagsadya sa nilindol na purok; sa loob ng 10 oras, 20 libong sundalo at armadong pulis ang nakarating ngnilindol na purok, iba pang 24 ibo ang inihatid sa napakagrabeng purok ng kalamidad; sa gabi ng araw ring iyon; sa gabi ng araw ring iyon, 20000 tauhang medikal ang ikinilos ng Ministri ng Kalusugan mula sa iba't ibang lugar ng bansa papuntang nilindol na purok; hating oras pagkaraan ng lindol, naisahimpapawid ang unang balita hinggil sa lindol ng sentral na media ng Tsina, pagkaraan ng 36 oras, kauna-unahang dayuhang grupong panaklolo ang dumating. Pagkaraan ng 48 oras, ang kaua-unahang batch ng tulong na materyal mula sa ibayong dagat ang dumating ng nilindol na purok;sa 72 oras na golden hours, mahigit 60 libong buhay ang nailigtas. Lindo ay utos, oras ay buhay!"
An: Sa abot ng aking pagkakaalam, maraming beses na nagsadya sa mga nilindol na purok si Premyer Wen. Jason, halos isang buwan ka doon sa nilindol na purok. Hindi mo man lamang ba nasalubong si Premyer Wen Jiabao?
Jason: 2 beses kong nakasalubong ang komboy ni Premyer Wen. Ang isa ay sa Jiuzhou Gymnasium, lunsod ng Mianyan, na tinutuluyan ng maraming apektadong kababayan at ang premyer ay nagtutungo sa gym para bisitahin ang mga nabiktima ng lindol. at ang isa pa ay sa highway patungo sa Mianyang airport at ang premyer ay nakaiskedyul na maglakbay-suri sa isa sa mga quake lake lulan ng helikoper.
XJ: Sinabi mo sa akin na halos naantala ng kotse mo ang komboy ng premyer.
Jason: Oo, kasi hindi gaanong espesyal ang komboy ng premyer at hindi ko ito napansin.
XJ: Kasi nagmamanaho ka at low-key na low-key siya.
An: Ang maraming beses na personal na pagsadya nina Panuglong Hu at Premyer Wen sa mga pinakagrabeng nilindol na lugar at ang kanilang pakikisalamuha sa mga apektadong kababayan at pagsuong sa kalamidad sa kalagitnaan ng kagipitan ay lubusang nagpapasigla sa moral ng sambayanang Tsino para buong tapang na maharap ang kalamidad.
XJ: Sa Tsina, madalas na tinataguriang "pinakakaibig-ibig na tao" ang mga kawal. Sa tingin ko, sa pagsuong sa kagaganap na kalamidad, karapat-dapat lamang sila sa bansag na ito.
An: sila ang kamag-anak ng sambayanan namin. Saan mang may panganib, makikita sila at saanmang kinakailangan sila ng madla, naroroon sila.
XJ: Jason, tiyak na nakita at narinig mo ang mga kuwento hinggil sa mga kawal sa iyong pananatili sa Sichuan.
Jason: Ang nakikita ninyong litrato bilang 3 ay kinuha ko habang-daan patungo sa Hongbai Town, lunsod ng Shifang.
An: Mukhang buong-sikap nilang inaalis ang isang napakalaki at napakabigat na bato.
XJ: 10 sila.
Jason: Oo. Dahil grabeng grabe ang landslide at sa kondisyong hindi nadala ang mga kinakailangang malalaking kagamitan, ang mga kawal ay walang mapagpipilian kundi alisin ang mga higanteng bato na nakahambalang sa lansangan sa pamamagitan lamang ng kanilang kamay at balikat.
An: At mga torso rin.
Jason: Nakita kong nasira na ang shoulder-strap at fatigues ng marami sa kanila at malubhang nasaktan din ang kanilang balikat at kamay.
XJ: Hinding hindi mahuhulaan ng mga karaniwang tao kung gaano kalaki ang kinakaharap nilang kahirapan.
Jason: Oo. Ang susunod na litratro---litratro bilang 4 ay may kinalaman din sa mga kawal. Kinunan ko sila habang nasa daan ako patungo sa Yingxiu Town ng lunsod ng Wenchuan, pusod ng lindol.
An: Tumatakbo ang dalawang sundalo sa kuhang-larawan.
Jason: Oo nga. Tulad ng nabanggit ko ngayon-ngayon lang, dahil nagkaroon ng hambalang sa mga daan bunsod ng landslide, hindi nakakapasok sa mga nilindol na lugar ang anumang sasakyang de motor, kaya tumakbo na lamang ang mga kawal papunta doon sa lugar ng mga kababayang nabiktima ng lindol at ginawa nila ito para mailigtas ang pinakamaraming maililigtas nila. Sa pagdaan sa makikipot na daanan sa bundok, kailangan din nilang gumapang.
An: Isinasapalaran nila ang sarili nilang buhay.
XJ: Walang duda! Pagdating sa gawaing pagliligtas, Jason, meron tayong natanggap na tanong mula sa netizens at gusto nilang malaman kung bakit, sa unang yugto ng paghahanap at pagliligtas, sa partikular, parang wala raw ginampanang papel ang helicopter.
Jason: Narito ang mga litrato---litrato bilang 5 at 6 na nagpapakita ng terrain o kaligiran ng mga pinakamatinding nilindol na lugar.
An: Nakabisita ako minsan sa dakong kanluran ng Sichuan na niyanig ng super-lindol. Bulubundukin ang lugar na iyon at bukod pa roon, dahil dinudurugtong ang mga bundok at napakahirap ang daan sa itaas, nagpapaliku-liko ang Ilog Min sa mga bundok, nagbabagu-bago rin ang klima roon.
Jason: Natumbok mo! Bukod pa riyan, marami ring hydroelectric power station sa kahabaan ng Ilog Min, kaya, parang masinsing agiw ang mga linya ng power transmission sa mga lambak. Nagpapahirap ito sa paglipad ng mga helikopter. Gayunpaman, kahit na sa ganito kahirap na kondisyon, pinipilit pa rin ng Army Aviation Regiment na maghatid ng mga materyal na panklolo at mga sugatan hangga't magagawa nito at maraming ulit na nilang ginawa ito.
XJ: Bilang isa pang halimbawa para sa masalimuot na kaligiran ng mga nilindol na lugar, natatandaan ko pa na sinabi sa akin ng isang residenteng lokal na kung ang dalawang tao ay magkahiwalay na nakatayo sa dalawang taluktok, kahit nakikita nila ang isa't isa at nakakapag-usap, kung gusto nilang magkasalubong, baka maglalakad sila ng 3 araw.
Jason: Tama ka diyan! Hindi mo ito malalaman kung hindi ka magpupunta roon.
XJ: Muling nagpupugay sa kanila.
Jason: Sa kuhang-larawan bilang 7, nakikita ang tatlong kawal na babaeng taga-Chengdu, punong lunsod ng Sichuan. Nakarating sila ng Dujiangyan, isa sa mga pinakagrabeng nilindol na lugar noong araw na naganap ang lindol. Upang mabigyan ng infusion iyong mga sugatang estudyante, dapat maraming beses silang gumapang sa loob ng guho at dahil sa paulit-ulit na aftershocks, natamaan sila ng mga nahuhulog na bato at ladrilyo at marami pa ring galos sa kanilang braso nang kunan ko ng larawan.
XJ: Pero, hinding hindi nakikita sa kanilang mukha ang anumang pagkatakot o pagkalungkot. Ang aliwalas ng kanilang ngiti!
Jason: Oo. Nandoon din sila sa Lebanon para sa misyong pamayapa. Buong tapang at hinahong sinusuong nila ang kamatayan, pero, nang mapag-usapan namin ang hinggill sa kanilang anak, napaluha silang lahat.
XJ: Bilang ina, siyempre wala nang hihigit pa sa anak.
Jason: Noong araw na kapanayamin ko sila ay nagkataong kaarawan ng anak na babae ni Gng Wu Yanqun, iyong kawal sa gitna. Ganito ang sinabi niya sa kanyang anak.
"Pinakamahal na beybi, miss na miss kita. Alam ko na nangungulila ka rin kay Mommy. Uuwi ako kaagad pagkaraang magawa ko ang aking misyon dito. Na-miss ko na naman ang birthday mo. Pero pangako, pag-uwi, bibigyan kita ng hapi bertdey . "
"Kung may tao, may mga kamay, tiyak na maipapanumbalik ang mas maganda namng pagawaan at lupang-tinubuan sa aming pagpupunyagi!"
XJ: Magandang magandang umaga, Pilipinas! Kayo ay nasa himpilang Radyo Internasyonal ng Tsina at sa Online live programang "Magkakapamilya Tayo!" ng Serbisyo Filipino na handog sa mga biktimang apektado ng Bagyong Fengshen at gayundin sa mga nabiktima ng super-lindol sa Sichuan, Tsina. Ito si XJ, kasama sina Dr. Antonio Shi, dalubhasa sa relasyong Sino-Pilipino mula sa Peking University at Jason, reporter ng Serbisyo Filipino na kauuwi sa Beijing mula sa nilindol na Sichuan. Jason, natatandaan ko na habang nananatili ka sa Sichuan, nagpadala ka ng isang ulat na may pamagat na "Nagtitipun-tipon ang pag-ibig sa mga nilindol na purok" na nagtatampok sa mga boluntaryo mula sa iba't ibang saray na kinabibilangan ng mga empleado ng kompanya, mga drayber ng taksi at mga elektrisyan.
Jason: Totoo iyon. Sa pananatili ko sa mga nasalantang lugar, malalimang naramdaman ko na sa harap ng super-lindol at ng dulot nitong danyos at pasakit, buhos ang suporta sa mga apektadong mamamayan mula sa apat na sulok ng Tsina at maging mula sa buong daigdig.
An: Salamat dito, mas lalo pang tatatag ang kalooban ng mga kababayang Tsino.
XJ: Siyempre! Jason, ibahagi mo ang mga kuwento sa amin!
Jason: Ang picture No. 8 ay kinuha ko sa isang pansamantalang panuluyan ng mga apektadong kababayan. Nagbabasa ang kabataang boluntaryo kasama ang dalawang bata.
XJ: Buhos na buhos ang pansin ng batang lalaki at kay ganda ng ngiti ng batang babae!
An: Promising!
Jason: Ang isa pang dahilan kung bakit gusto kong ibahagi ang kuhang larawang ito ay nakaantig-damdamin ang sinabi ng boluntaryong ito. Pakinggan natin.
"Ang aking pinakamalaking hangarin ay sa pamamagitan ng pagsisikap ng mga boluntaryo, maramdaman ng mga apektadong kababayan na hindi sila nag-iisa at maraming tao ang buong higpit na nag-aasikaso at nagmamahal sa kanila. Naroon kaming lahat sa kanilang piling kaya sana magkaroon sila ng sapat na tibay ng loob!"
Jason: Ang picture No. 9 ay kinuha ko noong katapusan ng nagdaang Mayo sa isang nayon sa lunsod ng Dujiangyan kung saan tumutulong ang mga kawal sa mga magsasaka sa pag-ani ng gulay na rape.
An: Ang Mayo at Hunyo ay panahon ng tag-ani ng trigo at rape sa Sichuan. Tanyag sa bansa rin ang prutas doon.
Jason: Oo. Sa katotohanan, maraming apektadong magsasaka ang naghukay ng mga kasangkapan sa pagsasaka mula sa guho at tapos nagsimulang mag-ani ng butil
XJ: Muling nag-aalay ng kanilang suporta ang mga kaibig-ibig na kawal.
Jason: Oo. Pagkaraan ng kanilang misyon sa paghahanap at pagliligtas, hindi pa sila nakakapagpahinga eh sumama na sila sa pag-aani. Ang litrato bilang 10 naman ay kinuha ko noong ika-21 ng nagdaang Mayo sa isang pansamantalang panuluyan ng mga apektadong kababayan.
An: May dalang malaking palanggana ng gruel ang babae.
Jason: Oo. Oras ng pananghalian noon. Noong unang yugto ng pagliligtas, dahil mahigpit ang suplay ng bigas, hindi naigarantiyang makakakain ang lahat ng mga apektang kababayan ng solid food. Sa ganitong kalagayan, inuuna ang mga bata at matatanda na mabigyan ng sapat na pagkain.
An: Sa harap ng kalamidad, tumitingkad ang kalinisan at kagandahang-loob ng mga tao.
Jason: Totoo iyon. Maging sa paghahatid ng mga sugatan at paglilipat ng mga apektadong kababayan, ipinauuna rin ang matatanda, mga babae at bata.
XJ: Ang kuwento na sinasabi ng picture No. 11 at 12 ang susunod na gustong ibahagi sa atin ni Jason.
An: Siguro hindi na rin bago sa paningin ng ilang tagasubaybay ang lalaking nasa litratro kasi nakita ko rin siya sa CNN program.
Jason: Oo. Siya si Zhao Haiqing, party leader ng Chenjiaba, Beichuan county—ang pinakagrabeng nasalantang purok sa naganap na lindol. Nasawi ang kanyang mga magulang at anak na lalaki at malubhang nasaktan ang kanyang asawa.
XJ: Mahirap mahulaan kung paano niya nabata ang sarili niyang pasakit at nanatili sa puwesto, kasama ang mga residenteng lokal, sa pagpalipas ng pinakamahirap na panahon.
Jason: Tinanong ko siya kung, bilang isang karaniwang tao, hindi man lamang ba niya naisip na umuwi at tingnan kung ligtas ang kanyang mga kapamilya. Aba, eh, pagkatanong na pagkatanong ko, nangilid kaagad ang luha sa mga mata niya. Sinabi niya sa akin na mahirap sabihing ayaw niyang umuwi para alamin ang kalagayan ng sarili niyang pamilya , pero siya lang daw ang inaasahan ng lahat ng mga residenteng lokal.
An: Ano pa kaya ang kanyang pinakamalaking panghihinayang?
Jason: Para sa sambahayan, lubusang sinisisi niya ang kanyang sarili, lalung lalo na para sa kanyang anak na lalaki. Mahilig na mahilig ang kanyang anak sa palakasan at pinapangarap ng batang ito na personal na mapanood ang Beijing Olympic Games. Natatandaan pa niyang noong umaga ng araw nang maganap ang lindol, bago umalis ng bahay para pumasok, tuwang-tuwang sinabi ni Zhao sa kanyang anak na lalaki na: Nakabili na ako ng tiket sa seremonya ng pagbubukas ng Olimpiyada at dadalhin kita sa Beijing sa susunod na Agosto.
XJ: Pero, hinding hindi na mangyayari ang ipinangako ni Zhao sa kanyang anak.
XJ: Itinuturing na bulaklak ang mga bata at sila ay sagisag rin ng pag-asa. Meron ding karanasan si Jason kaugnay ng mga kaibig-ibig na bata kaya ibigay natin uli sa kanya ang mikropono. Sige, Jason.
Jason: Ang susunod na gusto kong ibahagi sa inyo ay ang kuwento na nasa larawan bilang 13. Kinuha ko ito noong ika-23 ng nagdaang Mayo sa isang tent school sa lunsod ng Mianyang.
Jason: Bigay na bigay sa pagkanta ang lahat ng mga bata at sa kauna-unahang pagkakataon narinig ko ang awiting matinding nagpaluha sa akin.
XJ: Alam na alam kong meron akong isang pares ng hindi nakikitang pakpak na siyang maghahatid sa akin papaitaas sa isang paglipad na puno ng pag-asa. Sa bandang huli, nakita ko ang pamumulaklak ng lahat ng aking mga pangarap. Taglay ang di-nakikitang pakpak, mangangarap ako nang mangangarap hanggang sa wakas ng panahon.
XJ: Ngayon, bigyang-daan naman natin ang mga tanong ng ating on-line listeners. Maraming tagasubaybay ang nagtutuon ng kanilang pansin sa ginagawang pamamahagi ng mga materyal at pondong panaklolo sa mga nilindol na purok. Ano ang masasabi mo rito Jason?
Jason: Kung ang personal na karanasan ko ang pag-uusapan, talagang nasubaybayan ko nang husto ang pagdating at pamamahagi ng materyal na mula sa Saudi Arabia. Masasabing maayos at mabisa ang buong proseso---mula sa paghahahatid sa paliparan hanggang sa pagpapaabot sa mga apektadong mamamayan, ang bawat yugto ay nabibigyan ng mahigpit na superbisyon.
Antonio: Sa abot ng aking pagkakaalam, upang maigrantiya ang mabisang paggamit ng mga pondo at materiyal, halos 10 libong government auditors ang ipinadala sa mga nilindol na purok. Napapasailalim sa kanilang mahigipit na superbisyon ang pamamahagi ng mga salapi at materiyal. Magsasapubliko sila ng detalyadong auditing report hinggil dito.
Jason: Oo, nakapunta ako minsan sa pansamantalang tanggapan sa Sichuan ng National Audit Office. Mabigat at sensitibo man ang kanilang gawain ay buong tiyagang ginagampanan naman nila ito. Mahigpit na sinusundan nila ang bawat yugto ng pamamahagi ng materiyal at pondo.
XJ: Ang isyu ng muling pagpasok sa paaralan ng mga bata ay nakatawag din ng pansin ng mga tagasubaybay. Ano ang masasabi mo dito sa isyung ito, Jason, sa abot ng iyong karanasan?
Jason: Sa nakita at narinig ko, maraming lugar ang nagbibigay ng priyoridad sa pagpapanumbalik ng pag-aaral ng mga estudyante. Sa unang yugto, nagpatayo sila ng pansamantalang paaralan na gamit ay tolda. Kasabay ng pagbuti ng kalagayan, nakapag-aaral ang mga estudyante sa loob ng mobile school houses.
XJ: Bukod dito, meron ding mga estudyante na inilipat sa iba pang lalawigan mula sa mga nilindol na lugar para makapagpatuloy ng pag-aaral.
Jason: Tamang tama!
XJ: Ang tanong na ito ay para kay Antonio. Sa kahilingan ng mga tagasubaybay, maaari ba kayong magbigay sa amin ng isang maikling preview hinggil sa pagkakaibigan ng Tsina't Pilipinas?
Antonio: Napakatagal ang pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas. Ayon sa talaan pangkasaysayan, noong 982, ibig sabihin noong 1000 taong nakalipas, may isang bangga naglayag mula sa Mindoro at bumisita sa Guangzhou, sa Timog ng Tsina. Ngayon sa maraming pulo ng Pilipinas, tinuklas at nihukay ng mga arkiologiko ang maraming porselana galing sa kakaibang dinastiyang Tsino, mula Dinastiya Tang, Dinastiya Song, hanggang sa Dinastiya Ming At Dinastiya Qing. Kahit ang mga katutubo sa bulubundukin ng Cordillera, pinag-ari nila ang porselanang Tsino sa kanilang mga bahay kubo bilang mahalagang ari-arian ng pamiliya. Dahil noong 1000 taong nakararaan hindi tumigil ang pangangalakal sa pagitan ng dalawang bansa. Naglayag ang mga negosyante taga-Fokien papunta sa Pilipinas, bumili sila nga mga tanging yamang dagat at gubat mula sa Pinoy samantala nagbenbenta ng sutla, tsaa at porselana.
XJ: Ang tadhana ng mga batang naulila ng lindol ay tumitimo rin sa damdamin ng mga tagasubaybay.
An: Ito ay pokus din ng pansin ng mga mamamayang Tsino. Sa pagkakaalam ko, naitakda na ng Pamahalaang Tsino ang isang serye ng hakabangin para sila ay lumaking malusog at maligaya.
Jason: Oo. Ayon sa mga may kinalamang batas at regulasyon, napakahigpit at napakasalimuot ng mga procedure sa pag-aampon ng mga ulila. Gayunpaman, marami pang ibang paraan kung talagang gusto nating tulungan ang mga nabiktimang bata. Sa pananatili ko sa Sichuan, may nakita akong grupo ng mga boluntaryo na nangangalap ng impormasyon hinggil sa mga bata na ang isa sa mga magulang ay nawala sa lindol, tapos, isinasapubliko nila ang mga nakalap nilang impormasyon sa internet o iba pang tsanel para sa ikababatid ng sinumang gustong tumulong sa nasabing mga bata.
XJ: Praktikal ang paraang ito!
Jason: Oo. Maraming tao ang interesado at nakilahok na sa proyektong ito.
XJ: At hanggang diyan na lang ang ating online program na may pamagat na "Magkakapamilya Tayo" na handog sa mga biktimang apektado ng Bagyong si Frank at gayundin sa mga nabiktima ng super-lindol sa Sichuan, Tsina. Maraming maraming salamat sa inyong pagpapaunlak, Jason at An at ganoon din sa inyong lahat sa inyong matiyagang pagsalo! Sa pamamagitan ng programang ito, muling pinasasalamatan ng serbisyo Filipino ang komunidad ng daigdig, lalung lalo na ang iba't ibang saray ng Pilipinas sa kanilang ibinigay at patuloy pang ibinibigay na suportang moral at materyal sa mga nilindol na purok ng Tsina.
Jason: Maraming salamat! Hanggang sa muli!
An: Babay!
Xj-jason-an: Mabuhay!