Ika-3 UN Environment Assembly, binuksan

2017-12-05 15:38:38  CRI
Share with:

Ika-3 UN Environment Assembly, binuksan

Binuksan kahapon, Lunes, ika-4 ng Disyembre 2017, sa punong himpilan ng United Nations Environment Programme (UNEP) sa Nairobi, Kenya, ang 3-araw na Ika-3 UN Environment Assembly.

Sa ilalim ng temang "Towards a Pollution-Free Planet," tatalakayin ng ilang libong kinatawan ng iba't ibang bansa at organisasyong pandaigdig, ang hinggil sa magkakasamang paglutas sa bantang dulot ng polusyon sa buong daigdig.

May pag-asa ring ilalabas sa pulong ang mahigit 10 resolusyon, na kinabibilangan ng mga hakbangin laban sa polusyon sa hangin.

Salin: Liu Kai

Not Found!(404)

Please select the login method