Mga pangulo ng Tsina at Maldives, nagtagpo; "Belt and Road" Initiative, pasusulungin

2017-12-08 12:50:22  CRI
Share with:

Mga pangulo ng Tsina at Maldives, nagtagpo; "Belt and Road" Initiative, pasusulungin

Beijing—Kinatagpo Disyembre 7, 2017, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Abdullah Yameen, dumadalaw na Pangulo ng Maldives.

Tinukoy ni Xi na nitong ilang taong nakalipas, mabilis ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Maldives, at itinatag ng dalawang bansa ang komprehensibong partnership na may pangkaibigang kooperasyon sa pagtanaw sa hinaharap. Ani Xi, pinapupurihan ng Tsina ang aktibong paglahok ng Maldives sa konstruksyon ng "Belt and Road" Initiative, at itinuturing ng Tsina ang Maldives bilang mahalagang partner sa 21st Century Maritime Silk Road.

Binigyan-diin ni Yameen na ang Tsina ay mahalaga at tunay na partner ng kanyang bansa. Pinasalamatan niya ang pagkatig ng Tsina sa pag-unlad ng Maldives. Aniya pa, ang "Belt and Road" Initiative na iniharap ng Tsina para sa komong kasaganaan ay nagpapasulong ng pag-unlad ng mga katam-tamang laki at maliliit na bansa.

salin:Lele

Not Found!(404)

Please select the login method