Ika-3 China-ASEAN Friendship Concert, idinaos

2017-12-08 21:31:02  CRI
Share with:

Idinaos ngayong gabi, Biyernes, ika-8 ng Disyembre 2017, sa Zhengzhou, lalawigang Henan sa gitna ng Tsina, ang Ika-3 China-ASEAN Friendship Concert.

Bilang kinatawan ng Pilipinas, si Christian Bautista ay nagtanghal, kasama ng 9 na mang-aawit mula sa ibang bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at 3 mang-aawit ng Tsina. Kinanta ni Bautista ang isa sa kanyang obra na "Kapit." Nakipag-duet din siya sa mang-aawit na Tsino na si Chen Xi, sa awit na "Because of Love."

Ang konsiyertong ito ay nasa magkasamang pagtataguyod ng China Radio International at Zhengzhou People's Broadcasting Station, katuwang ang mga departamento ng pamahalaan at media ng iba't ibang bansang ASEAN, na kinabibilangan ng National Commission for Culture and the Arts at PTV.

Salin: Liu Kai

Not Found!(404)

Please select the login method