Ekspo hinggil sa mga Tatak na Sarilinang-ari ng Tsina, idaraos sa May 1

2018-03-21 17:11:26  CRI
Share with:

Ayon sa ulat ngayong araw, Miyerkules, ika-21 ng Marso 2018, ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma, idaraos sa darating na May 1 ng taong ito, sa Shanghai, ang kauna-unahang Ekspo hinggil sa mga Tatak na Sarilinang-ari ng Tsina, at Pandaigdig na Porum hinggil sa Pagpapaunlad ng mga Tatak ng Tsina.

Ayon sa salaysay, ang naturang 3-araw na ekspo ay isang plataporma, para ipakita sa daigdig ang mga sikat na tatak ng Tsina. Kalahok dito ang mahigit 500 bahay-kalakal na Tsino, na may kilalang tatak.

Sa nabanggit namang porum, tatalakayin ng mga panauhing Tsino at dayuhan ang hinggil sa pagpapabilis ng pag-unlad ng mga tatak na Tsino.

Ekspo hinggil sa mga Tatak na Sarilinang-ari ng Tsina, idaraos sa May 1

Nang araw ring iyon, inilabas ang logo ng China Brand Day. Noong isang taon, itinakda ng pamahalaang Tsino ang tuwing ika-10 ng Mayo, bilang China Brand Day. Ito ay para pasiglahin ang mga bahay-kalakal na Tsino sa pagpapaunlad ng mga tatak na sarilinang-ari, at i-promote sa daigdig ang mga sikat na tatak na Tsino.

Salin: Liu Kai

Not Found!(404)

Please select the login method