Xi Jinping at Kim Jong Un, nag-usap sa Beijing

2018-03-28 08:36:18  CRI
Share with:

Xi Jinping at Kim Jong Un, nag-usap sa Beijing

Sa paanyaya ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulong Tsino, gumawa ng di-opisyal na pagdalaw sa Tsina, mula nitong Linggo hanggang ngayong araw, Miyerkules, ika-28 ng Marso, 2018, si Kim Jong Un, Tagapangulo ng Workers' Party of Korea at Tagapangulo ng State Affairs Commission ng Hilagang Korea.

Xi Jinping at Kim Jong Un, nag-usap sa Beijing

Sa panahong ito, nag-usap sa Great Hall of the People sa Beijing sina Xi at Kim. Inihandog nina Xi at First Lady Peng Liyuan, ang bangketeng panalubong para kina Kim at asawa niyang si Ri Sol Ju. Magkakasama rin silang nanood ng isang palabas na pansining.

Please select the login method