Pangulong Tsino, nakapagtagpo sa Kalihim ng Estado ng Amerika

2018-06-15 15:18:05  CRI
Share with:

Pangulong Tsino, nakapagtagpo sa Kalihim ng Estado ng Amerika

Noong ika-14 ng Hunyo, 2018, kinatagpo dito sa Beijing ni Xi Jinping, Pangulo ng Tsina si Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika na dumadalaw sa Tsina.

Tinukoy ni Xi na ang Tsina at Amerika ay may malawak na komong interes sa pangangala ng kapayapaan at katatagan, at pagpapasulong ng kaunlaran at kasaganaan ng daigdig, kaya, isinababalikat ng dalawang panig ang mahalagang pananagutan. Aniya, laging nagsisikap ang Tsina para itatag ang relasyong pangkooperasyong may paggagalangan, pagkakapantay-pantay at mutuwal na kapakinabangan nila ng Amerika. Dapat ibayo pang pahigpitin ng 2 bansa ang pagpapalitan sa mataas na antas, regular na diyalogo at kooperasyon sa iba't ibang larangan, dagdag pa ni Xi.

Sa ngalan ni Donald Trump, pangulo ng Amerika, nagpahayag si Pompeo ng pasasalamat para sa mahalagang mungkahi at tulong ni Pangulong Xi sa isyu ng Korean Peninsula. Ipinahayag ni Pompeo na pinahahalagahan ng Amerika ang relasyon sa Tsina, at nakahandang palakasin ang koordinasyon para hawakan nang mabuti ang mga sensitibong isyu, palalimin ang pragmatikong kooperasyon sa iba't ibang larangan, at magkasamang kaharapin ang mga hamon sa rehiyon at daigdig.

Salin:Lele

Please select the login method