Grupong medikal ng Tsina, nagsagawa ng charitable clinics sa Zimbabwe

2019-05-13 14:31:41  CRI
Share with:
Nitong Linggo, Mayo 12, 2019, ay Mother’s Day. Pumunta ang ika-16 na grupong medikal ng Tsina sa isang ampunan sa Zimbabwe para magkaloob ng pagkalinga sa mga ulila at residenteng lokal. Ini-abuloy din ng Embahadang Tsino at mga overseas at ethnic Chinese sa Zimbabwe ang mga materyal sa nasabing ampunan.
 
Ipinahayag ni Jacqueline Anderson, namamahalang tauhan ng nasabing ampunan, ang pasasalamat sa ibinibigay na tulong ng panig Tsino. Sinabi niya na ang mga tulong ay nakakapagbigay ng komportableng init sa puso ng mga bata.
 
Noong Hunyo, 2018, dumating ang ika-16 na grupong medikal ng Tsina sa Zimbabwe para pasimulan ang kanilang tungkulin sa Parirenyatwa Hospital, pinakamalaking public hospital sa bansang ito. Sila’y nakakapagbigay ng positibong ambag para mapabuti ang kondisyong medikal ng ospital na ito. 
 
Please select the login method