Sa bundok Qinglong ng lunsod Anqiu ng lalawigang Shandong ng Tsina, mayroong isang malaking inabandunang quarry. Noong nakaraan, grabeng sira ang kapaligiran dito. Pagkaraan ng 7 taon na pagsisikap ng lokal na pamahalaan, matagumpay na pinabuti ang natural na kapaligiran dito. Ngayon ito ay isang magandang scenic spot na umaakit ng maraming turista.