Xi Jinping, kinatagpo ang Hari ng Kambodya

2019-05-15 15:01:22  CRI
Share with:

Kinatagpo Mayo 15, 2019, dito sa Beijing ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Haring Norodom Sihamoni ng Kambodya.

Tinukoy ni Xi na ang pagkakaibigan ng Tsina at Kambodya ay nagpapakita ng tunay na relasyong pangkaibigan sa pagitan ng mga bansa at mga mamamayan. Lagi aniyang kumakatig ang Tsina sa Kambodya sa pagtahak nito sa landas na angkop sa sariling kalagayan, at magkasamang pinasusulong ng dalawang bansa komprehensibo at estratehikong partnership.

Ipinahayag ni Sihamoni ang pasasalamat sa pagkatig ng pamahalaan at mga mamamayan ng Tsina sa Kambodya. Aniya, mahalaga ang papel ng Conference on Dialogue of Asian Civilizations (CDAC) na itinaguyod ni Xi Jinping para sa pagpapalalim ng pagpapalitan at pag-uunawaan ng iba't ibang bansa.

Salin:Lele

Salin:王乐
Please select the login method