Martes ng gabi, Mayo 14, 2019, idinaos sa Chengdu, Lalawigang Sichuan ng Tsina, ang Chengdu Panda Asian Food Festival. Ito ang isa sa serye ng mga aktibidad ng Conference on Dialogue of Asian Civilizations (CDAC).
Inanyayahan ng nasabing aktibidad ang 200 panauhin mula sa iba’t ibang bansa’t rehiyon, para tikman ang masasarap na putahe, at maramdaman ang kulturang may katangiang lokal.
Salin: Vera