Pangulong Tsino, dumalo sa carnival bilang pagdiriwang ng pagkakaiba-iba ng mga sibilisasyong Asyano

2019-05-15 22:41:09  CRI
Share with:

Miyerkules ng gabi, Mayo 15, 2019, ginanap sa Beijing ang Asian Culture Carnival. Dumalo rito si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, para ipagdiwang, kasama ng mga panauhing Tsino’t dayuhan, ang pagkakaiba-iba at kasiglahan ng mga sibilisasyong Asyano.

图片默认标题_fororder_20190515Carnival12

图片默认标题_fororder_20190515Carnival13

Sa kanyang talumpati sa carnival, sinabi ng pangulong Tsino na ang sining ay lalampas sa hanggahan ng iba’t ibang nasyonalidad, titimo sa puso ng mga mamamayan, at mag-uugnay ng kani-kanilang kaisipan, para ipakita sa daigdig ang isang maluningning, masigla, mapayapa at sumusulong na Asya.

图片默认标题_fororder_20190515Carnival4

图片默认标题_fororder_20190515Carnival3

Umaasa aniya siyang makikipagtulungan sa isa’t isa ang mga bansang Asyano, at magkakapit-bisig na lilikha ng mas magandang kinabukasan ng Asya, maging ng daigdig.

图片默认标题_fororder_20190515Carnival1

图片默认标题_fororder_20190515Carnival2

Kalahok sa nasabing carnival na may temang "Pagdiriwang ng Kabataan, Pangarap ng Asya" ang mahigit 30,000 kabataang lider ng Asya at namumukod na alagad ng sining sa daigdig. Nakita sa nasabing carnival ang mga kamangha-manghang palabas na pansining at high-tech stage effects. 

Salin: Vera

Please select the login method