Pagsugpo sa takdang bahay-kalakal, di-angkop sa kapakanan ng anumang bansa—Puno ng Misyong Diplomatiko ng Tsina sa EU

2019-05-21 14:04:47  CRI
Share with:

Sa katuwiran ng pambansang katiwasayan, inilakip kamakailan ng Kagawaran ng Komersyo ng Amerika ang Huawei Technologies Co. Ltd, telecommunication giant ng Tsina, at 70 sangay nito sa “entity list.” Kaugnay nito, tinukoy Lunes, Mayo 20, 2019 ni Embahador Zhang Ming, Puno ng Misyong Diplomatiko ng Tsina sa Unyong Europeo (EU), na sa kasalukuyang panahon ng globalisasyon, ang pagdedebelop at paggamit ng 5G network ay umaayon sa pagpapalitan at pagtutulungan ng iba’t ibang bansa.

图片默认标题_fororder_20190521ZhangMing1

Aniya, batay sa layuning pulitikal, ginamit ng Amerika ang puwersang administratibo ng estado para mapalawak ang ideya ng pambansang katiwasayan, nagmalabis ito sa hakbangin sa pangangasiwa at pagkontrol sa pagluluwas, at ginawang isyung pulitikal ang kaukulang isyu. Di-angkop ito sa kapakanan ng anumang bansa, dagdag ni Zhang.

Salin: Vera

Salin:维拉
Please select the login method