CRI Komentaryo: relasyong Sino-Ruso, matibay na sumusulong sa pinakamagandang panahon sa kasaysayan

2019-06-05 15:58:25  CRI
Share with:

Miyerkules, Hunyo 5, 2019, lumisan ng Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para magsagawa ng dalaw-pang-estado sa Rusya, at dumalo sa Ika-23 St. Petersburg International Economic Forum (SPIEF). Ang kasalukuyang taon ay ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Rusya. Paulit-ulit na ipinahayag ng kapuwa panig na nasa pinakamagandang panahon sa kasaysayan ang bilateral na relasyon, at ang dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi sa Rusya sa ganitong mahalagang panahon ay makakapagpasulong sa paglikha ng relasyong Sino-Ruso ng bagong panahon na may mas mataas na antas at mas malaking pag-unlad.

Nitong nakalipas na 5 taon, mahigit 20 beses na nagtagpo ang mga lider ng Tsina at Rusya, at ang diplomasya ng mga lider ay nagsilbing isa sa mga pinakamalinaw na katangian ng mahusay at matatag na relasyon ng dalawang bansa.

Sa kasalukuyan, nahaharap sa malalim at masalimuot na pagbabago ang kalagayang pandaigdig, pero sa mula’t mula pa’y iginagalang ng Tsina at Rusya ang sarili nilang landas ng pag-unlad, hindi nakikialam sa mga suliraning panloob ng isa’t isa, at buong tatag na kumakatig ang isa’t isa sa mga isyung may kinalaman sa nukleong interes at mahahalagang pagkabahala. Ito ang mahalagang dahilan ng matatag na pagsulong ng relasyong Sino-Ruso. Ginagawang pragmatikong bunga ng dalawang bansa ang bentaheng pulitikal, at binubuo ang komprehensibo’t malalimang kayarian ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa iba’t ibang larangan.

Noong 2018, lampas sa 100 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng bilateral na kalakalan ng kapuwa panig. Ipinahayag minsan ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na may mahalagang katuturan ang nasabing datos, at nagpapakita ito ng kalagayan ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, at bunga ng pagtaas ng pagtitiwalaan.

图片默认标题_fororder_20190605TsinaRusya1

Masagana ang ani ng pragmatikong kooperasyon ng Tsina at Rusya sa kasalukuyang taon. Noong isang linggo, matagumpay na pinag-isa ang mga bahagi ng unang tulay ng lansangan sa hanggahan ng dalawang bansa. Bukod dito, nakatakda ring matapos ang konstruksyon ng unang tulay ng daambakal, at isasaoperasyon ang natural gas pipeline sa silangang linya. Marami rin ang tampok ng kooperasyon sa mga larangang gaya ng konstruksyon ng imprastruktura, hay-tek, e-commerce, agrikultura, paggagalugad ng Arctic, kooperasyong lokal at iba pa.

Sa bagong historical starting point, tiyak na matatamo ng komprehensibo’t estratehiko’t kooperatibong partnership ng dalawang bansa ang mas masaganang bunga, ihahatid ang mas maraming benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan, at idudulot ang bagong pag-asa sa pag-unlad ng daigdig.

Salin: Vera

Please select the login method