Pagpasok sa tag-init, napakaganda ng tanawin ng Jiuzhaigou National Park sa Lalawigang Sichuan ng Tsina.
Noong Agosto 8, 2017, niyanig ang Jiuzhaigou ng lindol na may lakas na 7.0 sa richter scale. Mula noong Hulyo 1, 2018, pansamantalang itinigil ng nasabing parke ang pagtanggap ng mga turista, at sinimulan ang saradong rekonstruksyon. Sa kasalukuyan, pinapabilis ang proseso ng rekonstruksyon pagkatapos ng lindol.
Salin: Vera