Tsina at India, dapat tuluy-tuloy na pasulungin ang mas mahigpit na development partnership—Pangulong Tsino

2019-06-14 13:25:12  CRI
Share with:

Nakipagtagpo Huwebes, Hunyo 13, 2019 sa Bishkek, kabisera ng Kyrgyzstan, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Punong Ministro Narendra Modi ng India.

图片默认标题_fororder_20190614XiIndia2

Tinukoy ni Xi na bilang tanging dalawang bagong-sibol na ekonomiya sa daigdig na may lampas sa 1 bilyong populasyon, kapuwa nasa mahalagang yugto ng mabilis na pag-unlad ang Tsina at India. Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng panig Indian, na tuluy-tuloy na pasulungin ang mas mahigpit na development partnership. Diin ni Xi, dapat igiit ng kapuwa panig ang pundamental na pagpapasya na ang Tsina at India ay kapuwa nag-aalok ng pagkakataong pangkaunlaran sa isa’t isa, sa halip na banta; dapat walang humpay na palawakin ang tsanel ng kooperasyon; dapat palakasin ang pagtitiwalaan; dapat magkasamang pangalagaan ang malayang kalakalan at multilateralismo, at pangalagaan din ang lehitimong karapatang pangkaunlaran ng umuunlad na bansa.

图片默认标题_fororder_20190614XiIndia1

Nagpahayag naman si Modi ng kahandaan ng panig Indian na pahigpitin ang pakikipag-ugnayan sa panig Tsino sa mataas na antas, palakasin ang estratehikong pag-uugnayan, pasulungin ang bilateral na relasyon sa malawakang larangan, at maayos na hawakan ang mga alitan ng dalawang bansa.

Salin: Vera

Salin:维拉
Please select the login method