Mga pangulo ng Tsina at Turkey, nag-usap; estratehikong kooperasyon, palalalimin

2019-07-03 14:45:54  CRI
Share with:

Martes, Hulyo 2, 2019, nag-usap sa Beijing sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Recep Tayyip Erdogan ng Turkey.

Tinukoy ni Xi na ang Turkey ay mahalagang partner sa konstruksyon ng Belt and Road. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng Turkey, na pabilisin ang sinerhiya ng Belt and Road Initiative at Middle Corridor Project, matatag na pasulungin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng kalakalan, pamumuhunan, siyensiya’t teknolohiya, enerhiya, imprastruktura, mahahalagang proyekto at iba pa, at aktibong isagawa ang kooperasyon sa mga katamtaman at maliliit na proyekto ng paghahatid ng benepisyo sa mga mamamayan.

图片默认标题_fororder_20190703TsinaTurkey1

Diin ni Xi, dapat panatilihin ng kapuwa panig ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan sa mga suliraning panrehiyon, magkasamang pasulungin ang pagresolba sa mga mainit na isyu sa paraang pulitikal, at gumawa ng ambag para sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng rehiyon.

Nagpahayag naman si Erdogan ng pag-asang sa loob ng balangkas ng Belt and Road Initiative, palalakasin ng kapuwa panig ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng kalakalan, pamumuhunan, pinansya, enerhiya, pagyari ng sasakyang de motor, imprastruktura, 5G, smart city at iba pa. Bukod dito, umaasa rin aniya ng Turkey na pahihigpitin ang pagpapalitan sa mga larangang kinabibilangan ng edukasyon, kultura at pananaliksik na pansiyensiya.

Salin: Vera

Salin:维拉
Please select the login method