Relasyong Sino-Bulgarian, itinaas sa estratehikong partnership

2019-07-04 10:38:28  CRI
Share with:

Relasyong Sino-Bulgarian, itinaas sa estratehikong partnership

Beijing — Sa pag-uusap nitong Miyerkules, Hulyo 3, 2019, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Rumen Radev ng Bulgaria, buong pagkakaisa nilang ipinasiyang itaas ang relasyon ng dalawang bansa sa estratehikong partnership.

 

Ipinagdiinan ni Xi na dapat maggalangan at magtiwalaan sa isa't-isa ang Tsina at Bulgaria. Dapat din aniyang palakasin ng dalawang bansa ang pagpapalagayan sa mga aspektong gaya ng pamahalaan, organong lehislatibo, partido, at iba pa, at patuloy na ibigay sa isa't-isa ang matatag na pagkatig sa mga isyung may kaugnayan sa kani-kanilang nukleong kapakanan. Nakahanda ang Tsina na palakasin ang pakikipag-ugnayang estratehiko sa Bulgaria para mapasulong ang konektibidad ng imprastruktura, mapalawak ang saklaw ng kalakalan at pamumuhunan, at mapalalim ang pagpapalitan ng kultura at tao, dagdag niya.

 

Kaugnay ng pag-unlad ng relasyong Sino-Europeo, ipinahayag ni Xi ang pag-asang mapapanatili ng bagong institusyon ng Unyong Europeo ang katatagan at pagsunod ng patakaran nito sa Tsina. Umaasa aniya siyang magkasamang magpupunyagi ang Tsina at EU para mapasulong ang konstruksyon ng apat na partnership na kinabibilangan ng kapayapaan, pag-unlad, reporma, at sibilisasyon, sa pundasyon ng paggagalangan sa isa't-isa, pagkakapantay-pantay at katarungan, at kooperasyon at win-win result.

 

Ipinahayag naman ni Radev na ang pagpapataas ng relasyong Bulgarian-Sino sa estratehikong partnership ay ibayo pang makakapagpatibay sa pundasyon ng relasyon ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang Bulgaria na palakasin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa Tsina sa mga larangang gaya ng kalakalan, transportasyon at abiyasyon. Kinakatigan ng Bulgaria ang multilateralismo at World Trade Organization (WTO), dagdag pa niya.

Please select the login method