Bagong tsanel na panlupa’t pandagat sa pagluluwas ng mga produktong agrikultural sa Timog silangang Asya, itinatag sa Gansu

2019-07-08 16:23:26  CRI
Share with:

Lanzhou, Lalawigang Gansu ng Tsina—Idinaos nitong Biyernes, Hulyo 5, 2019 ang porum hinggil sa konstruksyon ng bagong tsanel na panlupa’t pandagat ng kalakalang pandaigdig ng Belt and Road at nukleong logistics hub ng bansa. Kalahok dito ang mga kinatawan ng pamahalaan at iskolar mula sa mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road na gaya ng Rusya, Azerbaijian, at 9 na lalawigan at rehiyong awtonomo ng bansa.

图片默认标题_fororder_20190708Gansu1

Ayon sa salaysay ni Dai Hansheng, Punong Manadyer ng sangay ng China Railway Container Transport (CRCT) sa Lanzhou, sa kasalukuyan, sa pamamagitan ng 38 freight line ng bagong tsanel na panlupa’t pandagat, iniluluwas ng Gansu ang mga produktong agrikultural na gaya ng mansanas at sibuyas, at mga produktong industriyal sa Biyetnam, Thailand, Myanmar, Indonesia, Greece at iba pa. Salamat sa bagong tsanel na panlupa’t pandagat ng kalakalan, pumasok sa pamilihan ng Timog-silangang Asya ang maraming produkto ng Gansu, dagdag niya.

Salin: Vera

Please select the login method