Amerika, babalik sa “Paris Agreement”

2021-01-21 14:37:56  CMG
Share with:

Nilagdaan nitong Miyerkules, Enero 20, 2021, ni Pangulong Joseph Biden ng Amerika ang atasa administratibo kung saan ipinapatalastas ang muling pagbalik ng Amerika sa “Paris Agreement.”

 

Bago lumagda sa nasabing kasunduan, ipinahayag ni Biden na isasagawa ng Amerika ang walang-katulad na paraan para harapin ang pagbabago ng klima.

 

Noong Hunyo 2017, ipinatalastas ni dating Pangulong Donald Trump ng Amerika na tatalikod ang kanyang bansa sa “Paris Agreement.”

 

Noong Nobyembre 4, 2020, pormal na tinalikuran ito ng Amerika, bagay na nakatawag ng malawak na pagbatikos mula sa loob at labas ng bansa.

 

Salin: Lito

Pulido: Rhio

Please select the login method