5 miyembro ng puwersang paramilitar ng Iraq, patay sa pag-atake ng IS

2021-01-24 17:32:48  CMG
Share with:

Ayon sa panig pulisya ng Iraq, limang miyembro ng Hashd Shaabi, puwersang paramilitar ng bansang ang nasawi at 4 na iba pa ang nasugatan sa pag-atake ng Islamic State (IS) sa kanilang outpost kahapon, Sabado, ika-23 ng Enero 2021, sa lalawigang Salahudin sa dakong hilaga ng Baghdad, kabisera ng Iraq.

 

Ayon pa sa ulat, kabilang sa mga napatay ay isang komander ng brigada.

 

Pagkaraang dumating ang suportang tropa, tumakas ang mga armadong tauhan ng IS.

 

Samantala, walang naiulat na kasuwalti sa panig ng IS, dagdag ng panig pulisya.

 

Nitong ilang araw na nakalipas, pinatindi ng IS ang pag-atake sa Iraq.

 

Noong Enero 21, dalawang magkasabay na suicide bombing ang isinagawa ng IS sa downtown Baghdad, na ikinamatay ng 32 katao, at ikinasugat ng 110 iba pa.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method