Mahigit sa 100 milyon, kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo

2021-01-27 16:31:56  CMG
Share with:

Ipinakikita ng pinakahuling datos nitong Martes, Enero 26, 2021 ng Johns Hopkins University ng Amerika na lumampas na sa 100 milyon ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
 

Samantala, halos 2.15 milyon naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
 

Kabilang dito, mahigit 25.36 milyon ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso sa Amerika, at lampas sa 423,000 ang mga pumanaw.
 

Kapuwa nangunguna sa daigdig ang nasabing dalawang datos.
 

Samantala, mabilis na lumalaki ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa buong mundo.
 

Mahigit kalahating taon ang nakalipas sapul nang sumiklab ang pandemiya, nang tumaas sa 10 milyon ang nasabing datos.
 

Pero 16 na araw lamang ang nakalipas nang tumaas sa 100 milyon ang datos na ito, mula 90 milyon.
 

Salin: Vera

Please select the login method