Lider ng mga bansa, nanawagan sa WEF na pangalagaan at isagawa ang multilateralismo

2021-01-30 13:24:24  CMG
Share with:

Mula noong Enero 25 hanggang 29, 2021, idinaos ang virtual Dialogue Meeting ng “DAVOS Agenda 2021” ng World Economic Forum (WEF).
 
Sa kani-kanilang talumpati, nanawagan ang mga lider ng maraming bansa sa komunidad ng daigdig na palakasin ang pagkakaisa at pagtutulungan at pangalagaan at isagawa ang multilateralismo para magkakasamang harapin ang mga hamong pandaigdig na gaya ng pandemiya ng COVID-19 at resesyong pangkabuhayan.
 
Sinabi ni Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea na dapat palakasin ng buong daigdig ang pagkakaisa at pagtutulungan. Inaasahan aniya ng Timog Korea ang pagsasagawa kasama ng mga iba pang miyembro ng G20 ng multilateral na kooperasyon para maigarantiya ang bukas at matatag na kapaligirang pangkalakalan at pampamumuhunan sa buong daigdig.
 
Ipinahayag din ni Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore na sa harap ng mga hamong gaya ng COVID-19, pagbangon ng kabuhayan, at pagbabago ng klima, napakahalaga ng pandaigdigang kooperasyon.
 
Ipinagdiinan ni Punong Ministro Suga Yoshihide ng Hapon na magsisikap ang kanyang bansa para mapalawak ang malaya at makatarungang economic circle at mapalakas ang sistema ng malayang kalakalan.


Salin: Lito

Pulido: Mac

Please select the login method