UNHCR: mahigit 2,000 katao, nasawi sa 3 probinsya sa dakong silangan ng Congo (Kinshasa) noong 2020

2021-02-17 14:08:18  CMG
Share with:

Matinding pagkabigla ang ipinahayag nitong Martes, Pebrero 16 (local time), 2021 ng United Nations (UN) High Commission for Refugees (UNHCR) kaugnay ng walang-patid na karahasan hatid ng mga armadong organisasyon sa gawing silangan ng Congo (Kinshasa).

 

Anito,  ang mga karahasan ay sistematikong nakakasira sa pamumuhay ng mga mamamayang lokal, lumulikha ng matinding pagkatakot, at nagdudulot ng kapahamakan.

 

Ayon sa datos ng UNHCR at partner nito, noong isang taon, mahigit 2,000 sibilyan sa 3 probinsya sa dakong silangan ng Congo, ang namatay dahil sa mga pananalakay na inilunsad ng mga armadong organisasyon.

 

Kasalukuyang nakikipagtulungan ang UNHCR sa mga lokal na awtoridad at mga kapitbahayan para maproteksyunan ang mga sibilyan sa apektadong lugar.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method