Pagpapabilis ng pagbabakuna ng Tsina, posibleng magpabangon sa kabuhayang Asyano—American media

2021-05-31 15:33:34  CMG
Share with:

Ayon sa artikulong inilabas kamakailan sa website ng Wall Street Journal ng Amerika, ang pagpapabilis ng pagbabakuna ng Tsina kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay posibleng maging sanhi ng pagbangon ng kabuhayang Asyano.
 

Anang artikulo, sa kasalukuyan, mabilis na sumusulong ang pagbabakuna sa Tsina, at kung ito’y mapapanatili, makakatulong ito sa pagpapabuti ng ekspektasyon sa pagbangon ng kabuhayan ng Asya, maging ng mga bagong sibol na pamilihan sa daigdig.
 

Saad pa ng artikulo, sa mid-term na pananaw, ang pagpapabilis ng pagbabakuna ng Tsina ay makakapagpasulong sa pagpapanumbalik ng industriya ng turismo sa Timog-silangang Asya.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method