Pangulong Tsino, nakikidalamhati sa sunog sa hospital ng Iraq

2021-07-16 10:21:07  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala, nitong Huwebes, Hulyo 15, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang counterpart na Iraqi na si Barham Salih, bilang pakikidalamhati sa sunog na naganap sa isang ospital, na nagdulot ng matinding kasuwalti.

 

Sa ngalan ng pamahalaan at sambayanang Tsino, ipinahayag ni Xi ang pakikidalamhati sa mga nasawiang-palad, pakikiramay sa kanilang pamilya, at pangungumusta sa mga nasugatan.

 

Naganap ang naturang matinding sunog sa Al Hussain Educational Hospital sa Nasiriyah, punong lunsod ng Dhi Qar, lalawigan sa katimugang Iraq, nitong Lunes ng gabi, Hulyo 12, 2021.

 

Ayon sa awtoridad, hanggang Martes, Hulyo 13, 92 katao ang nasawi at mahigit 100 ang nasugatan dahil sa sunog.

 

Ang nasabing ospital ay nanggagamot ng mga pasyente ng coronavirus. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang sunog dahil sa di-maayos na pag-iingat ng mga oxygen tank.

 

Nabuo na ng pamahalaan ng Iraq ang high-level committee para ganap na imbestigahan ang insidente, at inaasahang ilalabas ang resulta sa loob ng isang linggo.

 

Salin: Jade

Pulido: Mac

Please select the login method