Bilateral na relasyon ng Iran at Hapon, isusulong

2021-08-23 10:52:42  CMG
Share with:

Nagpalitan ng kuru-kuro nitong Agosto 22, 2021 sina Ebrahim Raisi, Pangulo ng Iran at Motegi Toshimitsu, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Hapon tungkol sa bilateral na relasyon ng dalawang bansa, at mga isyung panrehiyon at pandaigdig.

Ipinahayag ni Raisi ang pasasalamat sa ibinibigay na makataong tulong ng Hapon sa Iran sa pakikibaka laban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Nakahanda aniya ang Iran na paunlarin at palalimin ang relasyon sa Hapon sa iba’t-ibang larangan.

Aniya, ang paghahanap ng hegemonya sa buong daigdig sa anumang porma, ay hindi angkop sa kapakanan ng anumang bansa at rehiyon.

Dapat tutulan ng lahat ng bansa ang hegemonya ng Amerika, diin pa niya.

Sinabi naman ni Motegi na kinakatigan ng Hapon ang diplomatikong pagsisikap ng Iran para sa pagsasakatuparan ng kapayapaan at katatagang panrehiyon.

Prinsipyo at posisyon ng panig Hapones ang  mapayapang paglutas sa mga isyu sa pamamagitan ng diyalogo, aniya pa.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method