Kauna-unahang lehislatibong halalan, ginanap sa Qatar

2021-10-03 16:03:57  CMG
Share with:

Ginanap kahapon, Oktubre 2, 2021 ang kauna-unahang halalang lehislatibo sa kasaysayan ng Qatar.
 

Tumagal ng 10 oras ang pagboto.
 

Sumali rito ang 284 na kandidatong kinabibilangan ng 28 babae.
 

Ang resulta ng inisyal na bilangan ng halalan ay inaasahang ilalabas mamayang gabi.
 

Ayon sa pinakahuling Batas sa Halalan, may 45 luklukan ang Shura Council. Kabilang dito, 2/3 na luklukan ang ihalal, samantalang 1/3 iba pa ang hirangin ng Emir.
 

Sa kasalukuyan, mahigit 2.8 milyon ang kabuuang populasyon ng Qatar, pero di-kukulanging 400,000 ang Qatari.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Lito

Please select the login method