Mahigit 700 libo, kabuuang bilang ng mga nasawi sa Amerika dahil sa COVID-19

2021-10-03 11:03:39  CMG
Share with:

Ayon sa Reuters, nitong Sabado, unang araw ng Oktubre, 2021, lumampas sa 700 libo ang kabuuang bilang ng mga namatay sa Amerika dahil sa kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon pa sa estadistika ng Johns Hopkins University ng Amerika, hanggang noong alas-20:21, gabi ng Oktubre 1, 700,258 ang kabuuang bilang ng mga binawiang buhay sa Amerika dahil sa COVID-19, at 43,615,149 naman ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Anito pa, nangunguna pa rin ang Amerika sa buong daigdig sa aspekto ng bilang ng kumpirmadong kaso at kamatayan sa COVID-19.


Salin: Lito

Please select the login method