Sa kanyang pakikipagusap sa telepono nitong Nobyembre 17, 2021, kay Pangulong Isaac Herzog ng Israel, binigyan-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na magka-ugnay ang kabuhayan ng Tsina at Israel, na angkop sa kooperasyon na may mutuwal na kapakinabangan. Nakahanda ang Tsina na palalimin ang pakikipagkooperasyon sa Israel sa siyensiya, agrikultura, medesina at kalusugan at iba pang larangan, palawakin ang pakikikpagpalitan at pakikikooperasyon sa Israel sa kultura, edukasyon, turismo, palakasan at iba pang larangan, para palalimin ang pundasyon ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Malugod na tinatanggap ng Tsina ang aktibong paglahok ng Israel sa Inisiyatiba ng Pag-unlad ng Daigdig, ani Xi.
Samantala, ipinahayag ni Herzog na buong tatag na nananangan ang Israel sa patakarang Isang Tsina. Nagsisikap ang Israel para palalimin ang magkaibigang relasyon ng dalawang bansa. Nakahanda ang Israel na magsikap, kasama ng Tsina, para palakasin ang kooperasyon at pagpapalitan sa siyensiya, inobasyon, kabuhayan, agrikultura, palakasan at iba pang larangan.
Bukod dito, nagpalitan ang dalawang panig ng kuru-kuro kaugnay ng kalagayan sa rehiyong Gitnang Silangan. Binigyan-diin ni Pangulong Xi na naninindigan ang Tsina na batay sa pundasyon ng “Two State Solution,” isasakatuparan ng Palestina at Israel ang mapayapang pakikipamumuhay sa pamamagitan ng diyalogo at talastasan. Nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng komunidad ng daigdig, para pasulungin ang kaligtasan, katatagan, kaunlaran at kasaganaan ng Gitnang Silangan.
Salin:Sarah
Pulido:Mac