Pag-akit ng Tsina ng mga pondong dayuhan noong nagdaang 10 buwan, mabilis na lumaki

2021-11-21 10:40:16  CMG
Share with:

Sapul nang pumasok sa kasalukuyang taon, magkakasunod na naisaoperasyon sa Tsina ang mga malalaking proyektong pinatatakbo ang pondong dayuhan. Sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, idinaragdag ng mga dayuhang mangangalakal ang kanilang pamumuhunan sa Tsina.

Ayon sa datos mula sa Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong unang 10 buwan ng kasalukuyang taon, aktuwal na nagamit ng buong bansa ang mahigit 943.1 bilyong yuan RMB na pondong dayuhan. Ito ay mas malaki ng 17.8% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.

Bukod dito, ibayo pang bumubuti ang estruktura ng pag-aakit ng mga pondong dayuhan, at walang patid na bumubuti ang kalidad ng mga naaakit na pondong dayuhan.

Mula sa mga industriya, mahigit 752.5 bilyong yuan RMB ang aktuwal na nagamit ng industriyang pangserbisyo ng Tsina na mas malaki ng 20.3% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon. Lumaki naman ng 23.7% ang pondong dayuhang aktuwal na nagamit ng high-tech industry.

Mula sa mga pinagmulang lugar, magkahiwalay na lumaki ng 30.7% at 29.5% ang aktuwal na pamumuhunan mula sa mga bansa sa kahabaan ng “Belt and Road” at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ipinahayag ni Zong Changqing, Puno ng Departamento ng Pondong Dayuhan ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na sapul nang pumasok sa taong ito, naisakatuparan ang mabilis na paglaki ng pag-aakit ng bansa ng pondong dayuhan, at malinaw na mas mabuti ang nakuhang bisa kumpara sa inaasahan.

Inamin din niya na nananatili pa ring masalimuot at mahigpit ang kapaligirang panlabas sa pagpapatibay ng pag-aakit ng mga pondong dayuhan.

Sa kabila nito, nananatiling matatag ang inaasahan at kompiyansa ng mga dayuhang mangangalakal sa pamumuhunan sa Tsina.

Ayon sa isang poll na isinagawa kamakailan ng nasabing ministri, optimistiko ang 93.3% respondent na dayuhang kompanya sa Tsina sa prospek ng kanilang pag-unlad sa kinabukasan.


Salin: Lito

Please select the login method