NEA: lumampas sa 1 bilyong kilowatt ang kabuuang installed capacity ng paglikha ng koryente sa pamamagitan ng renewable energy

2021-11-21 10:38:01  CMG
Share with:

Ayon sa balita mula sa website ng National Energy Administration (NEA) ng Tsina, hanggang noong katapusan ng nagdaang Oktubre, lumampas sa 1 bilyong kilowatt ang kabuuang installed capacity ng paglikha ng koryente sa pamamagitan ng renewable energy na katumbas ng 43.5% ng kabuuang installed capacity ng paglikha ng koryente sa buong bansa.

Ang nasabing proporsiyon ay mas malaki ng 10.2% kumpara noong katapusan ng taong 2015.

Kabilang dito, magkakahiwalay na umabot sa 385 milyon, 299 milyon, 282 milyon, at 35.34 milyong kilowatt ang installed capacity ng paglikha ng koryente sa pamamagitan ng tubig, hangin, solar energy, at biomass energy na pawang nangunguna sa buong daigdig.


Salin: Lito

Please select the login method