Kalakalang panlabas ng Tsina, matatag na umuunlad

2021-11-28 11:11:42  CMG
Share with:

Ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na patuloy na pabibilisin ng Tsina ang pagtatatag ng bagong kayariang pangkaunlaran, patuloy na palalawakin ang pagbubukas sa labas, mas aktibong makikilahok sa bilateral, multilateral, at rehiyonal na kooperasyon upang maisakatuparan kasama ng iba’t-ibang bansa ang win-win result sa mas mataas na antas.

Sa simulang taon ng Ika-14 Panlimahang-Taong Plano ng bansa, kapwang lumikha ng bagong rekord ang saklaw ng kalakalang panlabas ng Tsina at proporsiyon nito sa pamilihang pandaigdig, at matatag na sumusulong ang de-kalidad na pag-unlad, bagay na puwersang nakakapagpasulong sa paglaki ng pambansang kabuhayan at nakakapagbigay ng mahalagang ambag sa pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig.

Noong unang 10 buwan ng kasalukuyang taon, umabot sa 31.67 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina. Ito ay mas malaki ng 22.2% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.

Patuloy at matatag na lumalaki ang kalakalang panlabas ng Tsina.


Salin: Lito

Please select the login method