Yang Jiechi at Suh Hoon, mag-uusap tungkol sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig

2021-12-02 10:54:06  CMG
Share with:

Ipinatalastas nitong Miyerkules, Disyembre 1, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na makaraang magsanggunian ang panig Tsino at Timog Koreano, mag-uusap sa Tianjin sa Huwebes ng umaga sina Yang Jiechi, Director of the Office of the CPC Central Commission for Foreign Affairs, at Suh Hoon, ROK National Security Advisor.

Malalimang magpapalitan ng kuru-kuro ang kapwa panig tungkol sa bilateral na relasyon ng dalawang bansa at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapwa nila pinahahalagahan, ani Wang.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method