“Biased Broadcasting Corporation,” taguri ng mga netizen ng Tsina sa BBC

2021-12-08 11:46:02  CMG
Share with:

Ayon sa artikulong inilabas kamakailan ni Deborah Brautigam, iskolar ng Amerika, malinaw niyang tinukoy sa isang panayam sa British Broadcasting Corporation (BBC) na walang anumang batayan ang sinasabi ng ilang media kaugnay sa di-umano’y paglaganap ng “Chinese debt trap.”

Ngunit sa pinal na programang isinahimpapawid ng BBC, nabaligtad ang orihinal na opinyon ni Brautigam.

Dahil sa pagmamaniubra ng video, ipinakita ng BBC na sinusuportahan ni Brautigam ang teoryang mayroong “Chinese debt trap.”

Ito ay lubhang ikinagagalit ng iskolar.

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Martes, Disyembre 7, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na “Biased Broadcasting Corporation” ang taguri ng mga netizen na Tsino sa BBC.

Aniya, kilala ng mga netizen na Tsino ang BBC bilang tagapagluto ng mga peke at mapagkunwaring impormasyon tungkol sa Tsina.

Ani Zhao, umaasa siyang matatanggal ng BBC ang tawag na ito sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon sa pinakamadaling panahon.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method