Tsina, solemnang ini-reakto ang maling pananalita ng ilang bansa kaugnay ng South China Sea

2021-12-08 16:40:31  CMG
Share with:

Ilang maling pananalita hinggil sa South China Sea ang ipinalabas kamakailan ng Amerika, Pilipinas, Australia at iba pang bansa, sa pagtalakay Disyembre 7, 2021, ng Ika-76 na Sesyon ng Asembleya ng United Nations (UN) sa temang “Dagat at Batas ng Dagat.”

 

Kaugnay nito, tinukoy ni Geng Shuang, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na palagian at maliwanag ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng South China Sea. Mayroong lubos na  batayang pangkasaysayan at pambatas ang soberanya at karapatan ng Tsina sa South China Sea.

Tsina, solemnang ini-reakto ang maling pananalita ng ilang bansa kaugnay ng South China Sea_fororder_03gengshuang

Dagdag ni Geng, sa mula’t mula pa'y, nagsisikap ang Tsina para sa mapayapang paglutas sa alitan sa pamamagitan ng talastasan, at buong lakas na pinangangalagaan ang pangkaibigang relasyon sa mga kinauukulang bansa.

 

Aniya pa, nitong ilang taong nakalipas, sa pamamagitan ng magkakasamang pagsisikap ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), matatag sa kabuuan ang kalagayan sa South China Sea.

 

Nakahanda ang Tsina na panatilihin ang diyalogo sa mga kapitbansang, kinabibilangan ng Pilipinas, para pasulungin ang aktuwal na kooperasyon, saad niya.

 

Sabi pa ni Geng, iginagalang ng Tsina ang kalayaan ng paglipad at nabigasyon ng iba't-ibang bansa sa South China Sea ayon sa pandaigdigang batas, pero, umaasa ang Tsina na obdiyektibong ituturing ng iba't-ibang bansa, partikular na, ang mga bansa sa labas ng rehiyong ito, ang isyu ng South China Sea, at huwag na lilikha ng alitan at aktuwal na igalang ang pagsisikap ng mga kinauukulang bansa para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng nasabing karagatan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method