Tsina, tutulungan ang mga mamamayang Afghan na malampasan ang pansamantalang kahirapan

2021-12-15 10:42:08  CMG
Share with:

Idinaos nitong Disyembre 12, 2021 ang ground-breaking ceremony ng mga China-assisted projects para sa kabuhayan ng Afghanistan. 

Noong Disyembre 13, idinaos din sa Kabul ang seremonya ng paglilipat ng ikalawang pangkat na mga materiyal na bahagi ng pangkagipitang makataong tulong ng pamahalaang Tsino sa Afghanistan. 

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Martes, Disyembre 14, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na patuloy na ipagkakaloob ng panig Tsino ang makataong tulong sa Afghanistan upang damayan, sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, ang mga mamamayang Afghan na malampasan ang pansamantalang kahirapan.

Ani Wang, bilang mapagkaibigang kapitbansa at matapat na kaibigan ng Afghanistan, palaging ipinagkakaloob ng Tsina ang tulong nito hangga’t makakaya, para sa mapayapang rekonstruksyon at pag-unlad ng kabuhayan ng Afghanistan.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method