RCSC, nagkaloob ng tulong sa IFRC ng Afghanistan

2021-12-22 16:18:18  CMG
Share with:

Idinaos Disyembre 21, 2021, sa punong himpilan ng Federation of Red Crescent Societies (IFRC) ng Afghanistan, ang seremonya ng pagtanggap ng materyal na ipinagkaloob ng Red Cross Society of China (RCSC).

 

Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Wang Yu, Embahador ng Tsina sa Afghanistan na ipinakikita ng tulong na ito ang lubos na pagkakaibigan ng mga mamamayang Tsino at Afghan.

 

Sa harap ng mga kinakaharap na kahirapan ng Afghanistan sa taong ito, tinutulungan ng Tsina ang mga mamamayang Afghan sa abot ng makakaya.

 

Pinasalamantan naman ni Mutiul Haq Khalis, Pangulo ng IFRC, ang tulong ng Tsina.

 

Sinabi niyang nakahanda ang Afghanistan na panatilihin ang pangkaibigang relasyon sa Tsina, at umaasa siyang patuloy pang mapapalawak ang kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa.

RCSC, nagkaloob ng tulong sa IFRC ng Afghanistan_fororder_02afghanistan

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method