Pangkalahatang kalagayan ng sustenableng pag-unlad ng Tsina: matatag na pinapabuti

2021-12-22 16:16:56  CMG
Share with:

Ayon sa “Bughaw na Aklat (blue book) sa Sustenableng Pag-unlad: Ulat ng Pagsusuri sa Sustenableng Pag-unlad ng Tsina (2021) ” na magkasamang ipinalabas Disyembre 21, 2021, sa Beijing ng China Center for International Economic Exchanges (CCIEE) at iba pang organo, matatag na pinapabuti ang pangkalahatang kalagayan ng sustenableng pag-unlad ng Tsina.

 

Sinabi rin ng ulat na sa kasalukuyan, pumasok na ang Tsina sa bagong yugto ng pag-unlad, at nasa masusing panahon ng pagbabago ang sustenableng pag-unlad, kaya dapat pasulungin ang pagsasakatuparan ng mas inklusibo, mas pleksible, at mas berdeng sustenableng pag-unlad sa Tsina.

 

Kaugnay nito, inilahad ng ulat ang mungkahi na may kinalaman sa 5 larangan, na kinabibilangan ng pagpapanatili ng bunga ng paghulagpos sa karalitaan, pagpapasulong ng pagbabago ng industriya sa pamamagitran ng inobasyon ng siyensiya at teknolohiya, palagiang pagpapasulong ng konstruksyon ng ekolohikal na sibilisasyon, pagpapataas ng lebel ng pampublikong kalusugan, at pagpapataas ng kapangyarihan ng diskurso ng Tsina sa pandaigdigang pagsasa-ayos.

Pangkalahatang kalagayan ng sustenableng pag-unlad ng Tsina: matatag na pinapabuti_fororder_01bluebook

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

 

Please select the login method