Simposyum sa Paglaban sa Terorismo, magpapalakas ng pandaigdigang kooperasyon

2021-12-23 16:55:41  CMG
Share with:

Sa ilalim ng temang “Bagong kalagayan, Bagong banta, Bagong hamon, at Bagong hakbangin ng magkakasamang pagharap sa Terorismo,” idinaos Disyembre 22, 2021, sa Beijing, ang Ika-2 Pandaigdigang Simposyum sa Paglaban sa Terorismo.

 

Ipinahayag dito ni Wu Jianghao, Asistenteng Ministrong Panlabas ng Tsina, na sa harap ng banta ng terorismo, dapat igiit ang magkakasama, komprehensibo, kooperatibo at sustenableng opinyon ng ligtas na mundo; walang humpay na palakasin ang pandaigdigang diyalogo at kooeprasyon sa paglaban sa terorismo; at magkakasamang harapin ang bagong banta at hamon ng terorismo.

 

Sa harap ng mga bagong bantang kinabibilangan ng paggamit ng mga terorista sa bagong teknolohiya, pagsasagawa ng krimen sa pamamaigtan ng cyberspace, pag-uugnay ng terorismo at organisasyong kriminal, nagkaisa ang mga kalahok na dapat palakasin ang pandaigdigang kooperasyon at labanan ang ugat ng terorismo.

Simposyum sa Paglaban sa Terorismo, magpapalakas ng pandaigdigang kooperasyon_fororder_02fankong

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method