Mga dalubhasa ng iba't-ibang bansa, kinondena ang paglagda ng Amerika sa Uyghur Forced Labor Prevention Act

2021-12-27 15:42:59  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagsasabatas ng Amerika Disyembre 23, 2022 ang umano’y Uyghur Forced Labor Prevention Act, sunud-sunod na ipinahayag ng mga dalubhasa at iskolar ng Pakistan, Cuba, Rusya, Ehipto, Belarus, Kenya, Hapon, Venezuela, Sudan at iba pa, na ang aksyong ito ay lantarang pakiki-alam sa mga suliraning panloob ng Tsina.

 

Sinabi nila na sa katuwiran ng karapatang-pantao, isinagawa ng Amerika ang manipulasyong pulitikal at pambubuskang pang-ekonomiya sa Tsina.

 

Ang tunay na layon nito ay pagsira sa kasaganaan at katatagan ng Xinjiang at pagsugpo ng pag-unlad ng Tsina, diin nila.

 

Anila pa, ang aksyong ito ay labag sa regulasyon ng pamilihan at moralidad ng komersyo, grabeng nakakapinsala sa aktuwal na kapakanan ng mga kompanya at mamimili ng kapuwa Tsina at Amerika, at hindi makakabuti sa katatagan ng industrial chain at supply chain ng mundo, at pagbangon ng kabuhayan ng daigdig.

 

Salin:Sarah

Pulido: Rhio

Please select the login method