Defense bill na may kinalaman sa Tsina, nilagdaan ni Biden; mariing pagtutol, ipinahayag ng Tsina

2021-12-29 16:29:41  CMG
Share with:

Isinabatas nitong Lunes, Disyembre 27, 2021 ni Pangulong Joe Biden ng Amerika ang National Defense Authorization Act (NDAA) para sa fiscal year 2022 at ito ay nagkakahalaga ng $USD 770 bilyon.
 

Kabilang dito ang maraming nilalaman kaugnay sa Tsina.
 

Bilang tugon, tinukoy kahapon ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na buong tatag na tinututulan ng panig Tsino ang pagsasabatas o pagsasagawa ng manipulasyong pulitikal ng panig Amerikano sa mga negatibong bagay hinggil sa Tsina.
 

Hinimok ni Zhao ang panig Amerikano na huwag ipatupad ang mga negatibong nilalaman at artikulong nakatuon sa Tsina at nakakapinsala sa kapakanan ng panig Tsino.
 

Aniya, hindi dapat sirain ang pangkalahatang kalagayan ng relasyong Sino-Amerikano at kooperasyon ng kapuwa panig sa mga mahalagang larangan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method