Proporsyon ng RMB sa reserba ng palitang panlabas ng daigdig, matatag na tumataas

2022-04-07 15:58:52  CMG
Share with:

Ayon sa ulat na inilabas kamakailan ng International Monetary Fund (IMF), umabot sa mahigit 336 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng foreign exchange reserve ng RMB noong ika-4 na kuwarter ng 2021, at ito ay katumbas ng 2.79% ng reserba ng palitang panlabas ng buong mundo.


Ayon sa ulat, ipinalalagay ng mga dalubhasa ng IMF, na ang paglaki ng kota ng RMB ay sanhi ng pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig at internasyonalisasyon ng RMB.


Tinaya ng mga dalubhasa na dahil sa mga sangsyong ipinapataw ng Rusya at mga bansang kanluranin laban sa isa’t-isa at magulong kondisyon ng pinansyang pandaigdig, bibilis ang paglaki ng kota ng RMB sa kasalukuyang taon.


Salin: Vera


Pulido: Rhio