Premyer Tsino, dumalo sa espesyal na pulong ng Macao Forum

2022-04-11 13:58:19  CMG
Share with:

 

Sa pamamagitan ng video link, dumalo at nagtalumpati kahapon Abril 10, 2022 si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng Espesyal na Pulong Ministeryal ng Porum ng Kooperasyon ng Kabuhayan at Kalakalan sa pagitan ng Tsina at mga bansang nagsasalita ng wikang Portuges (PSCs), na kilala rin bilang Macao Forum.

 

Ani Premyer Li, ang kabuuang bolyum ng kalakalan sa pagitan ng Tsina at PSCs noong 2021 ay umabot sa $USD200 bilyon .

 

Ito aniya ay nagpapakita ng malaking nakatagong lakas ng kooperasyon ng dalawang panig.

 

Mariin ding sinabi ni Li na patuloy at matatag na igigiit ng Tsina ang patakarang "One Country, Two Systems" at "Macao people governing Macao.”

 

Sinabi pa niyang lubos na sinusuportahan ng Chinese mainland ang pagiging plataporma ng pagkakaloob ng serbisyo ng Macao para sa kooperasyon ng Tsina at PSCs sa larangan ng negosyo at komersyo.

 

Ang layunin ng pulong na ito ay “isulong ang magkakasamang pagpuksa sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) at magtulungan para sa komong pag-unlad,” dagdag ni Li.

 

Dumalo sa pulong ang mga kinatawan ng Tsina at walong bansang nagsasalita ng wikang Portuges na kinabibilangan ng Angola, Brazil, Cape Verde, Guinea-Bissau, Mozambique, Portugal, Sao Tome and Principe, at Timor-Leste.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio