1,513 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland nitong Abril 12

2022-04-13 15:41:35  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina nitong Martes, Abril 12, 2022, 1,513 ang bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.

 


Kabilang dito, 13 ang galing sa labas ng bansa, at 1,500 naman ang domestiko.

 


Samantala, 26,525 ang bagong walang sintomas na kaso.

 


Nang araw ring iyon, 1,678 ang lumabas sa ospital pagkaraang gumaling.

 

Batay pa sa datos, 21,826 ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland, samantalang 4,638 naman ang mga pumanaw.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac