Tsina tutol sa pagsasapulitika ng paglilikas ng mga Amerikano sa Shanghai

2022-04-13 15:43:49  CMG
Share with:


 

Kaugnay ng “authorized o ordered departure” ng pamahalaan ng Amerika sa mga non-emergency personnel ng Konsulada Heneral sa Shanghai, ipinahayag nitong Martes, Abril 12, 2022 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na matatag na tinututulan ng panig Tsino ang pagsasapulitika ng panig Amerikano ng isyu ng paglilikas ng mga tauhang Amerikano sa Shanghai.

 

Hiniling din ni Zhao sa Amerika na itigil ang pagdungis sa patakaran ng Tsina sa pagpuksa ng epidemiya ng COVID-19.

 

Sinabi ni Zhao na ang paglilikas ng mga tauhan sa Shanghai ay sariling kapasiyahan ng panig Amerikano.

 

Ayon pa kay Zhao na alinsunod sa mga pandaigdigang kombensyon, palagiang ipinagkakaloob ng mga departamento ng Tsina ang mga serbisyo at tulong sa lahat ng mga dayuhang diplomata at konsulada.

 

Dagdag pa niya, maalwan ang tsanel ng pag-uugnayan sa pagitan ng Tsina at Amerika.


Salin: Ernest

Pulido: Mac