1,580 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland nitong Abril 23

2022-04-24 15:05:12  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, Sabado, Abril 23, 2022, 1,580 ang bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.

 


Kabilang dito, 14 ang galing sa labas ng bansa, at 1,566 naman ang domestiko.

 


Samantala, 20,285 ang asimtomatikong kaso.

 


Nang araw ring iyon, 2,672 ang lumabas sa ospital pagkaraang gumaling.

 

Batay pa sa datos, 29,531 ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland, samantalang 4,725 naman ang mga pumanaw.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio